Aluminyo

From Wikfilipino
Revision as of 02:02, 24 March 2021 by Aabenoja (talk | contribs) (Created page with "Ang '''aluminum''' o '''aluminyo''' (atomikong bilang = 13; atomikong timbang = 26.98, punto ng pagkatunaw = 660.2 °C, punto ng pagkulo = 2,467 °C, ispesipikong gr...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang aluminum o aluminyo (atomikong bilang = 13; atomikong timbang = 26.98, punto ng pagkatunaw = 660.2 °C, punto ng pagkulo = 2,467 °C, ispesipikong grabidad = 2.69, V = 3, simbolo: Al, malaking A na sinundan ng maliit na L) ay isang metalikong elemento na maputi ang kulay at katulad ng pilak. Ito ang elementong itinuturing na pinakarami ang bilang sa balat ng lupa, bagaman natatagpuang nakalangkap sa iba pang mga elemento. Natuklasan ito ni Hans Christian Ørsted noong 1825. Ginagamit ito sa pag-gawa ng mga kasangkapang magagaan, hindi kalawangin, at matitibay o matitigas, katulad halimbawa ng sa kaldero at sa bubong ng bahay.