Ahon sa Hirap, Inc.

From Wikfilipino
Revision as of 05:17, 15 March 2021 by Mrmagcamit (talk | contribs) (Created page with "Ang '''Ahon sa Hirap, Inc.''' ('''ASHI''') ay isang di-gobyernong organisasyon na nagkakaloob ng tulong-pinansiyal at medikal sa mahihirap na babae. Ang tanggapan nito ay mata...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang Ahon sa Hirap, Inc. (ASHI) ay isang di-gobyernong organisasyon na nagkakaloob ng tulong-pinansiyal at medikal sa mahihirap na babae. Ang tanggapan nito ay matatagpuan sa Blg. 76, 8th Avenue, Cubao, Quezon City. Maaari silang makontak sa telepono 8913-24-52 at e-mail sa ashi@ashi.org.ph.

Deskripsyon

Ang ASHI ay itinatag noong 1989 at naniniwala na kapag pinautang ng puhunan ang isang babaeng mahirap, magkakaroon ito ng mapagkakakitaan at maaaring makaahon sa hirap. Ang organisasyong ito ay nangangasiwa ng ganitong programa sa mga rural na lugar tulad ng Laguna, Rizal, Antique, at Metro Manila. Ang pag-unlad at tagumpay ng ASHI ay nagsisilbing ehemplo para sa mga organisasyong nagpapautang din sa mahihirap sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit ng estratehiya ng Grameen Bank, na matagumpay na kooperatiba sa Bangladesh na tumutulong sa mahihirap sa pagpapautang nang walang kolateral, nais ng ASHI na makaabot sa mas maraming babaeng mahihirap sa bansa.

Misyon

Sa pamamagitan ng pagpapautang ng maliit na puhunan, nilalayon ng ASHI ang sumusunod:

  • Maitaguyod ang isang institusyong tulad ng Grameen;
  • Makabuo ng isang lipunan na makatutulong sa pag-unlad ng kababaihan at mga pamilya nito;
  • Makapaglingkod nang maayos;
  • Mapanatili ang mga kaugaliang bumubuo sa ASHI tulad ng disiplina, hinahon, sipag, tapang, at pagkakaisa;
  • Makisapi sa mga institusyong pareho ang hangaring makatulong sa mahihirap.

Sanggunian

Ahon sa Hirap, Inc. https://www.ashi.org.ph/. Accessed 15 Marso 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.