Aginid Bayok Sa Atong Tawarik

From Wikfilipino
Revision as of 13:29, 5 April 2021 by Ivibar (talk | contribs) (Created page with "Ikinukuwento ng epikong pasayaw na '''Aginid Bayok Sa Atong Tawarik''' ang paglayag ng manlalakbay na si Ferdinand Magellan paikot ng daigdig, at kung paano siya nasawi sa...")
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ikinukuwento ng epikong pasayaw na Aginid Bayok Sa Atong Tawarik ang paglayag ng manlalakbay na si Ferdinand Magellan paikot ng daigdig, at kung paano siya nasawi sa Labanan sa Mactan.[1]

Ikinukuwento rin ng epiko ang iba pang pangyayari tulad ng umanong pagbalik ni Lapulapu sa Borneo matapos muling makipag-ugnayan kay Rajah Humabon.

Aklat

Nailathala ang epiko noong 1952 bilang aklat na akda ni Jovito Abellana. Ibinatay niya ito sa kuwento ng kaniyang lolo mula sa kaniyang pagkabata.[2]

Ayon sa mga historyador, bagamat mapatutunayang nagmula nga sa mga ninuno nina Abellana ang likha, nabigyan na rin ng dagdag na kahalagahan si Humabon sa iba pang bersiyon ng epiko.[3]

Sanggunian

  1. Ouano-Savellon, Romola (2014). “‘Aginid Bayok Sa Atong Tawarik’: Archaic Cebuano and Historicity in a Folk Narrative”. Philippine Quarterly of Culture and Society. University of San Carlos Press, Vol. 42 (3/4): 189-220
  2. Valeros, Maria Eleanor E. Finding the ‘Aginid’ (July 16, 2011). Philippine Star. Retrieved 5 April 2021.
  3. Tan, Michael L. Beyond Lapulapu (March 10, 2021). Inquirer.net. Retrieved 5 April 2021.


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.