Act No. 137

From Wikfilipino
Revision as of 17:12, 24 June 2021 by Rclacuata (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Rizal Act No. 137, na ipinasa ng Komisyong Schurman o ang First Philippine Commission, ang nagtalaga sa distrito ng Morong para maging lalawigan ng Rizal noong ika-11 ng Hunyo, 1901. Ipinangalan ang lalawigan kay Jose Rizal.

Binubuo ng 29 na munisipalidad ang lalawigan ng Rizal, kung saan 18 rito ang mula sa dating lalawigan ng Maynila. Kabilang sa mga dating bayang kabilang sa lalawigan ng Rizal ang mga sumusunod:

  • Cainta
  • Caloocan
  • Las Piñas
  • Marikina
  • Montalban (kasalukuyang Rodriguez)

  • Muntinlupa
  • Navotas
  • Novaliches
  • Parañaque
  • Pasig
  • Pateros
  • Pineda (kasalukuyang Pasay)
  • San Felipe Neri (kasalukuyang Makati)
  • San Juan del Monte (kasalukuyang San Juan)
  • San Mateo
  • San Pedro Macati (kasalukuyang Makati)

  • Taguig
  • Tambobong (kasalukuyang Malabon)
  • Angono
  • Baras
  • Binangonan
  • Antipolo
  • Cardona
  • Jalajala
  • Morong
  • Pililla
  • Tanay
  • Taytay
  • Teresa

Noong ika-7 ng Nobyembre, 1975, sa bisa ng Presidential Decree No. 824, 12 bayan sa lalawigan ng Rizal ang isinama sa kasalukuyang Metro Manila o National Capital Region.

Mga Sanggunian

  • Historical Context and Legal Basis of Rizal Day and Other Memorials in honor of Jose Rizal [1] accessed May 28, 2021

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.