Difference between revisions of "Abe Ocampo"

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
(Created page with "300px|thumb|right|Abe Ocampo|link=Special:FilePath/Abeocampo.jpgImage:Angelamarkado.jpg|170px|thumb|right|Angela Markado|link=Special:FilePath/Angela...")
 
m
 
Line 1: Line 1:
[[Image:Abeocampo.jpg|300px|thumb|right|Abe Ocampo|link=Special:FilePath/Abeocampo.jpg]][[Image:Angelamarkado.jpg|170px|thumb|right|Angela Markado|link=Special:FilePath/Angelamarkado.jpg]]Si '''Abraham "Abe" Ocampo''' ay kilala bilang isang sikat na dibuhista ng [[komiks]] sa [[Pilipinas]].  Sa kasalukuyan, siya ay nagdidibuho sa  [[Liwayway Magazine]]. Sa loob ng mga panahong ibinigay niya ang puso at damdamin sa pagguhit, inihayag ni Ocampo ang kanyang walang kamatayang pagmamahal sa paglikha ng mga karakter na tumimo sa isip ng mambabasa.
+
Si '''Abraham "Abe" Ocampo''' ay kilala bilang isang sikat na dibuhista ng [[komiks]] sa [[Pilipinas]].  Sa kasalukuyan, siya ay nagdidibuho sa  [[Liwayway Magazine]]. Sa loob ng mga panahong ibinigay niya ang puso at damdamin sa pagguhit, inihayag ni Ocampo ang kanyang walang kamatayang pagmamahal sa paglikha ng mga karakter na tumimo sa isip ng mambabasa.
 
==Karera==
 
==Karera==
 
Nagsimula si Ocampo sa industriya ng komiks pagkatapos ng high school nung 1957, upang magamit ang labis niyang pagmamahal sa sining.  Ang simula ng kanyang karera sa pagiging dibuhista ay nag-ugat nang inatasan siya ni [[Ramon R. Marcelino|R.R. Marcelino]], punong-editor ng [[Extra Komiks]] at [[Romansa Komiks]] nang panahong iyon, na gumuhit ng isang maikling kuwento.  Hindi nagtagal, isa na siyang dibuhista ng mga nobela: ''[[Dragona]]'' ni [[Mars Ravelo]] at ''[[Ama Namin]]'' ni [[Ramon R. Marcelino|R.R. Marcelino]].
 
Nagsimula si Ocampo sa industriya ng komiks pagkatapos ng high school nung 1957, upang magamit ang labis niyang pagmamahal sa sining.  Ang simula ng kanyang karera sa pagiging dibuhista ay nag-ugat nang inatasan siya ni [[Ramon R. Marcelino|R.R. Marcelino]], punong-editor ng [[Extra Komiks]] at [[Romansa Komiks]] nang panahong iyon, na gumuhit ng isang maikling kuwento.  Hindi nagtagal, isa na siyang dibuhista ng mga nobela: ''[[Dragona]]'' ni [[Mars Ravelo]] at ''[[Ama Namin]]'' ni [[Ramon R. Marcelino|R.R. Marcelino]].

Latest revision as of 07:47, 25 March 2021

Si Abraham "Abe" Ocampo ay kilala bilang isang sikat na dibuhista ng komiks sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, siya ay nagdidibuho sa Liwayway Magazine. Sa loob ng mga panahong ibinigay niya ang puso at damdamin sa pagguhit, inihayag ni Ocampo ang kanyang walang kamatayang pagmamahal sa paglikha ng mga karakter na tumimo sa isip ng mambabasa.

Karera

Nagsimula si Ocampo sa industriya ng komiks pagkatapos ng high school nung 1957, upang magamit ang labis niyang pagmamahal sa sining. Ang simula ng kanyang karera sa pagiging dibuhista ay nag-ugat nang inatasan siya ni R.R. Marcelino, punong-editor ng Extra Komiks at Romansa Komiks nang panahong iyon, na gumuhit ng isang maikling kuwento. Hindi nagtagal, isa na siyang dibuhista ng mga nobela: Dragona ni Mars Ravelo at Ama Namin ni R.R. Marcelino.

Sa umpisa ng dekada 60s, lumipat si Ocampo sa Ace Publications para sa mas malalaking proyekto. Inatasan siya na iguhit ang nobelang Anak ng Asuwang, likha ng isa sa mga pinakasikat na manunulat ng kumpanya na si Pablo S. Gomez. Habang sikat pa ang seryeng ito, gumuhit muli si Ocampo para sa isa na namang tanyag na manunulat na si Mars Ravelo, sa akdang Ito Ba Ang Aking Ina?.

Marami pang trabaho ang naibigay sa kanya mula sa PSG Publishing House at Graphic Arts Service, Inc. (GASI). Nang panahong iyon, natuklasan niya ang kanyang kahusayan: drama. Ilan sa mga nobelang drama na ginawa niya sa ilalim ng GASI ay ang Inang Putik, Makunat pa sa Inuyat at Araw-araw Kitang Mahal.

Noong 1970, sumapi si Ocampo sa Affiliated Publications, Inc. bilang isang kontributor. Dito nagsimula ang kanyang pakikipagtuwang sa noon ay sumisikat na manunulat na si Carlo J. Caparas. Si Ocampo ang gumuhit ng unang nobela ni Caparas na Citadel. Ilan pa sa mga proyektong pinagsamahan nila ay ang Angela Markado at Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Hindi lang sa Pilipinas sumikat si Ocampo sapagkat noong 1971, pinili siya ng National Periodical Publications, Inc. (may-ari ng copyright ng Superman, Batman and Robin, Wonder Woman, Captain Marvel) na maging isa sa sampung dibuhista na naatasang gumuhit para sa kanilang mga komiks. Nakagawa si Ocampo ng isang komiks, ang Rima.

Mga Gawa

May ilang komiks rin na ginawa si Ocampo sa ilalim ng DC Comics. Karamihan sa mga ito ay horror titles nung 1970.

Naging kontributor din siya sa mga linya ng komiks ni Pablo S. Gomez.

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.