A Love Story

From Wikfilipino
Revision as of 12:18, 22 March 2021 by Mcajulis (talk | contribs)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigation Jump to search

Ang "A Love Story" ay pelikula ng Star Cinema at ABS-CBN Film Productions Inc. bilang paggunita sa kanilang ika-14 na anibersaryo. Pinagbibidahan ito ng Diamond Star Maricel Soriano, Aga Muhlach at Angelica Panganiban. Kuwento ito ng isang totoo at walang pasubaling pag-ibig at halaga ng sakripisyo para dito.

Buod

Si Ian Montes (Aga Muhlach) ay larawan ng tagumpay. Isa siyang asensadong negosyante na naghahanap pa rin ng pagmamahal at pagpapahalaga. Dahil sa sugat na naiwan sa kanya nang iwan siya ng kanyang ina, at sa patuloy na pangungulila sa pagmamahal ng ama, hinahangad niya na siya ay mahalin ng buo at totoo.

Hanggang sa makikilala niya ang dalawang babaeng babago ng kanyang buhay: si Karyn Torres (Angelica Panganiban), isang bata at masayahing flight attendant, at si Joanna Villanueva (Maricel Soriano), isang doktor na galing lamang sa isang bigong relasyon.

Nahahati at naiipit si Ian sa dalawang babaeng naging mahalaga sa buhay niya - sino ang kanyang iiwan at sino ang kanyang pipiliin?

Sa huli, matututunan nilang tatlo ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, pagsasakripisyo at pagpapatawad.

Mga Tauhan

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.