2002 Zamboanga Bombing
Jump to navigation
Jump to search
Noong ika-17 ng Oktubre, 2002, niyanig ng pagsabog ng dalawang bomba ang pangunahing shopping district sa Zamboanga City sa Mindanao sa Pilipinas. Tinawag itong 2002 Zamboanga bombing, kung saan anim ang namatay at nasa 150 ang sugatan.
Ito ang ikalawang malaking pagpapasabog sa Timog Silangang Asya noong taong iyon. Noong ika-12 ng Oktubre, naganap ang pagpapasabog sa Bali, Indonesia. Pinaghinalaang nasa likod ng pagpapasabog ang grupong Abu Sayyaf.
Noong ika-18 ng Oktubre, nangyari naman ang pagpapasabog sa isang bus sa Maynila na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasugat ng 22 iba pa.
Noong ika-4 ng Marso, 2003, nagkaroon rin ng pagpapasabog sa paliparan sa Davao kung saan nasa 21 ang namatay.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |