Unang Pahina

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
WIKIFILIPINO.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
5,495 artikulo sa Filipino at dumarami....
Quincentenario Banner.svg

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit



Si Andres Bonifacio (30 Nobyembre 1863–10 Mayo 1897) ay isa sa mga nagtatag ng Katipunan o Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan kasama sina Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at iba pa na nagtipon sa isang bahay sa Kalye Azcarraga, Maynila noong 7 Hunyo 1892. Siya ay tinaguriang “Ama ng Himagsikang Pilipino,” “Supremo ng Katipunan,” at “Haring Tagalog.”


Protagonista

edit

Si Padre Florentino ay isa sa mahahalagang tauhan ng nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ay isang anak-mayamang klerigo na napilitang magpari dahil sa pamimilit ng kaniyang ina at dahil na rin sa pagmamahal niya rito. Sa kuwento, si Padre Florentino ay naging pari sa gulang na 25 ngunit nang maganap ang pagbitay sa tatlong pari (Gomburza) noong 1872 ay agad na nagretiro.

Taas-Noo Pilipino

edit


Si Carlos V. Francisco (4 November 1912–31 March 1969), mas kilala sa tawag na “Botong,” ay ginawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1973. Si Botong, kasama sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, ay kinilala bilang “The Triumvirate.” Siya ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Fernando Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta. Ilan sa mga pinta ni Botong ang Harana, Portrait of Purita, The Invasion of Limahong, Serenade, Muslim Betrothal, Blood Compact, First Mass at Limasawa, The Martyrdom of Rizal, Bayanihan, Magpupukot, Fiesta, Bayanihan sa Bukid, at Sandugo.


Tatak Pinoy!

edit

Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tulang isinulat ni Andres Bonifacio upang himukin ang mga Pilipinong maging makabayan at ipaglaban ang kanilang kalayaan. Itinuturing ito bilang pinakatanyag na tula ni Bonifacio na nailathala noong Marso 1896 sa unang isyu ng Kalayaan, opisyal na pahayagan ng Katipunan. Nakapangalan ang tula sa inisyal na “A. I. B.” na agad na mauunawaang kumakatawan sa “Agapito Bagumbayan,” ang sagisag-panulat ni Bonifacio. Kinikilala ang tulang ito bilang kauna-unahang akda sa katutubong wika na nagpapahayag ng pag-ibig sa bayan.


Tampok na Video

edit


Ang Buwan ng Pagpapahalagang Pilipino, o Filipino Values Month, ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre sa bisa ng Pampangulong Proklamasyon Blg. 479 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 14 Oktubre 1994. Layunin ng pagdiriwang na ipaalala na ang mabubuting kaugaliang Pilipino ay daan upang makamtan natin ang mga pansarili at pambansang mithiin. Tuklasin sa “Spaghetti para kay Nanay” kung ano-anong pagpapahalagang Pilipino ang tampok sa kuwento.

Pamahalaan at Mamamayan

edit

Ang Partido Liberal ng Pilipinas, o Liberal Party of the Philippines sa English, ay isa sa mga nangungunang partidong politikal sa Pilipinas na dumidipensa sa malayang demokrasya ng bansa. Ito ay itinatag noong 19 Enero 1946 nina Manuel Roxas, Elpidio Quirino, at Jose Avelino, na pawang mga senador, matapos umalis sa Partido Nacionalista. Pumapangalawa ang Partido Liberal sa pinakamatandang partido politikal sa Pilipinas. Ito rin ang tagapamahalang partidong politikal sa apat na naging pangulo ng bansa na sina Manuel Roxas (1946–1948), Elpidio Quirino (1948–1953), Diosdado Macapagal (1961–1965), at Benigno Aquino III (2010–2016).

Alam mo ba...

edit

Noong panahon ng mga Espanyol, tinatawag na kartilya (nagmula sa salitang cartilla) ang maliliit na aklat na ginagamit sa mga paaralang pang-elementarya. Naglalaman ito ng mga aralin ukol sa pagbasa at ng mga dasal. Ang kartilya ay nangangahulugan din bilang batayan ng mga panuntunan na dapat sundin sa isang samahan o lipunan. Ito ang dahilan kung bakit ang “Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan” (1896) na isinulat ni Emilio Jacinto ay kilala rin sa tawag na Kartilya ng Katipunan.”


Talas Salita

edit

Kalimbahin

Kasabay ng opisyal na pahayag ni Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022 ay ang paglaganap ng kalimbahin sa social media. Ang kalimbahin (pang-uri), mas kilala sa tawag na “pink” at “rosas,” ay iba pang tawag sa kulay na mula sa mapusyaw na pula hanggang sa maputla at mamula-mulang lila. Ito ang ginamit na kulay ni Robredo sa kaniyang kampanya bilang pangulo sa halip na dilaw (o dilawan, kulay ng Partido Liberal ng Pilipinas). Ayon kay Robredo, ang kalimbahin ay kulay ng protesta at aktibismo. Bilang pagpapakita ng suporta, ang mga tagasuporta ni Robredo ay nagsusuot ng mga kasuotan at palamuti na kulay kalimbahin. Pinalalaganap din sa social media ang #kakampink.


'

Mga Epesyal na Pórtal

edit

Battlle and revolts.svg Aklas
Himagsikan, Pag-aalsa, at Labanan
Fiesta Philippine Feasts.svg Pista
Piyesta Opisyal ng Pilipinas
Moda Philippine Fashion and Style.svg Moda
Estilo ng pananamit, Pagpapaganda, at Pagkilos
Ph education.svg Edukasyon
Edukasyon sa Pilipinas
Philippine myths and legends.svg Panitikang Pilipino
Panitikan ng Pilipinas
Komiks The Philippine Komikopedia.svg Komiks
Mundo ng Komiks
Musika Original Pilipino Music.svg Musika
Original Pilipino Music
Ph online-travel-guide.svg Travel Guide
Tara na’t tuklasin ang ganda ng ating bansa!
Barangay-06.svg Mga Pambansang Pagkilala
Marapat na kilalanin at parangalan ang mga natatanging Pilipino
Kusina Unique Filipino Food.svg Kusina
Tikman ang mga pagkain at lutuing Pilipino
Ph Cinemapedia.svg Pelikula
Panoorin ang mga natatanging pelikulang Pilipino
Encyclopedia-Filipina.svg Kababaihang Pilipino
Mabuhay ang mga Eba!
Philippine Childrens litreture.svg Chikiting
Balik-balikan ang mga kuwentong naging bahagi ng iyong pagkabata.
Laro Traditional Philippine Games.svg Laro
Matagal nang kilala ang mga Pilipino sa pagiging matalino at mapamaraan.
Ph joserizal-encyclo.svg Rizaliana
Gaano mo kakilala si Jose Rizal?l
Ph-memorabilia.svg Nostalhiya
Halina’t maglakbay pabalik sa nakaraan
Etniko Philippine Ethnic Groups.svg Etniko
Etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas.
Libro Filipiniana Books Collection.svg Libro
Bakit hindi mo subukang basahin ito?
Ph TV series.svg Teleserye
Mga teleseryeng Pilipino!
Ph flora-fauna.svg Flora at Fauna
Flora at Fauna ng Pilipinas