Isay Alvarez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Isay Alvarez (ipinanganak Maria Isabel Alvarez 22 Hulyo 1964) ay isang tanyag na Pilipinang aktres sa teatro at telebisyon. Nakilala si Isay sa kanyang pagganap sa karakter ni “Gigi” sa dulang “Miss Saigon” na ipinalabas sa Englatera. Ngunit maliban sa pagiging aktibo sa teatro ay naging parte rin si Isay ng ilang mga palabas sa telebisyon gaya ng “Batibot”, isang programang ginawa para sa mga bata noong 1984.

Karera

Taong 1980 nagsimula ang karera ni Isay sa teatro nang mapabilang siya sa mga lokal na produksyong itinatanghal sa Manila Metropolitan Theater at sa Sentrong Pangkultural ng Pilipinas. Ito ang mga panahong nasa rurok nang kasikatan ang paglabas ng mga de-kalidad na produksyong pang-teatro.

Naging parte si Isay ng isang grupo ng mga aktor sa teatro . Ang grupong ito ay tinawag nilangAng4gettables. Kasama sina Pinky Marquez, Bimbo Cerudo, at George Javier ay nagtanghal si Isay para sa ating mga kababayang Pilipino na naninirahan sa ibang bansa.

Ilan sa mga dulang pinagbidahan ni Isay ay ang West Side Story, A Chorus Line, One for the Soul, Once on this Island, They're Playing Our Song at ang lokal na pagtatanghal ng Miss Saigon sa Maynila.

Apat na taong gumanap si Isay bilang si “Gigi” sa produksyon ng dulang Miss Saigon sa Europa at pagkatapos ay naanyayahan siyang maging parte ng isang programang pantelebisyon sa Englatera na pinamagatang “Jute City”.

Habang patuloy ang karera sa teatro ay nag tatanghal din si Isay sa mga five-star hotels bilang isang lounge singer.

Noong 2003, gumanap siya bilang si “Nimia” sa pagtatanghal ng pang-teatrong produksyon ng Himala, isang kilalang pelikula.

Noong 2008 ay ginampanan ni Isay ang karakter ni dating Pangulong Corazon Aquino sa dulang ibinatay sa buhay at mga gawa ni Pangulong Cory. Itinanghal ang dula noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon.

Nominado si Isay Alvarez sa 2008 Aliw Awards bilang Best Stage Actress para sa kanyang pagganap sa dulang “Skin Deep”.

Personal na buhay

Ikinasal si Isay kay Robert Seña, na isa ring aktor sa teatro. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring aktibo ang kanilang mga karera sa teatro at sa telebisyon.

Panglabas na kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.