Freddie Aguilar

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ferdinand Pascual Aguilar o “Ka Freddie” ay ipinanganak noong Pebrero 5, 1953 sa Santo Tomas, Isabela. Ang kanyang mga magulang ay sina Gregorio Aguilar at Salud Pascual. Noong 1973 ay nagsimula na siyang kumanta sa isang maliit na bar sa Ermita, Maynila. Ang asawa niya ay si Josephine Quiepo at may lima silang anak. Isang kompositor at mang-aawit, tumatak na sa karamihan ang kanyang istilo na may nakasabit na gitara, mahaha ang buhok, at may suot na sombrero. Ang kanyang mga awitin ay may sinasabing imaheng sosyo-politikal. Ang kanya kanta na “Anak” ang lubos na sumikat na umani ng pagkilala at naisalin sa Hapon, Kastila, Malay, Mandarin, Cantonese, Korean, Italian, Ingles, French, German, at Dutch. Ito ay may pangmasang dating na tumukoy sa layaw ng isang anak kasabay ang pagsuway sa kanyang mga magulang. At sa huli ang anak ay bumalik sa magulang matapos magsisi sa isang pagkakamali. Samantalang ang kanyang rendisyon ng “Bayan Ko” na orihinal na ginawa nina Constancio de Guzman at Jose Corazon de Jesus ay ginamit sa malawakang protesta mula taong 1983 hanggang 1986.

Komposisyon

  • Bulag, Pipi, at Bingi
  • Mahal Kita
  • Magdalena
  • Mga Bata sa Negros
  • Katarungan
  • Olongapo
  • Trabaho
  • Himig
  • Estudyante Blues
  • Sariling Atin
  • Ipaglalaban Ko
  • Kumusta ka?
  • Minamahal Kita

Karangalan sa Plaka

  • gold / platinum /double platinum awards (Anak, 1978) / First Millionaires Award (Anak, 1991)
  • gold record award (Freddie Aguilar Greatest Hits, 1982)
  • gold / double platinum record awards (Magdalena, 1985)
  • gold record award (Katarungan, 1985)
  • gold / platinum record awards (Sariling Atin, 1989)
  • gold / platinum (Hala Bira, 1990)
  • gold / platinum (Kumusta Ka, 1978) gold / platinum (1990) double platinum/Ampex Golden Reel Award (1992)

Karangalan sa Awitin

  • Catholic Radio Awards for Best Musical Composition (Anak, 1981)
  • Catholic Radio Awards for Best Musical Composition (Luzviminda, 1984)
  • Catholic Radio Awards for Best Musical Composition (Katarungan, 1986)
  • Aliw Awards, Special award (Mga Bata sa Negros, 1985)
  • Cecil Awards for Folk Vocal Performance of the Year (Bayan Ko)
  • Best Folk Pop Vocal Performance (Magdalena)
  • Best Novelty Vocal or Instrumental Performance / Best Novelty Composition (Sulat, 1985)

Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art vol. VI: Philippine Music, Manila, 1994. (hinango noong Hulyo 5, 2008)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Mga Kompositor sa Larangan ng Musika