World Rabies Day

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|right|250 px|World Rabies Day Ang World Rabies Day na ipinagdiriwang tuwing ika-28 ng Setyembre taun-taon ay isang malawakang pagkilos upang bigyang kamalayan ang buong mundo ukol sa patuloy na problema tungkol sa rabies at kung paano ito maiiwasan. Nililipon ng kampanyang ito ang libu-libong indibidwal mula sa mga eksperto sa kalusugan hanggang sa mga ordinaryong tao upang magkaisa at suportahan ang mga programa hinggil sa naturang usapin.

Mga nilalaman

[baguhin] Rabies

Ang rabies ay isang sakit na naililipat sa tao mula sa hayop sanhi ng kanilang virus o bakterya. Tinatawag itong zoonotic disease sa terminong medikal. Nagkakaroon ng impeksiyon sa rabies ang mga domestic at mapanganib na hayop at kumakalat ito sa tao sa pamamagitan ng kagat o kalmot ng mga ito. Mayroong rabies sa lahat ng kontinente sa buong mundo ngunit karamihan sa mga kaso ng pagkamatay ng tao ay sa Afrika at Asya na tinatayang humigit sa 95 porsyento ng populasyon. Kung nakakitaan ng sintomas ng rabies ang isang tao, maaari itong mamatay kaagad.

[baguhin] Mga Sintomas

Ang unang sintomas na mapapansin sa isang taong may rabies ay ang paglalagnat, sakit sa ulo, at pagkapagod at kinalaunan ay lumilinang ito sa respiratory system, gastrointestinal at central nervous system. Kapag nasa kritikal na estado na ang may rabies, nagiging sobra ang pagka-aktibo (furious rabies) o kaya naman ay napaparalisa (dumb rabies) ang isang tao. Sa parehong furious at dumb rabies, kapwa ito nagreresulta ng pagkaparalisa ng buong katawan, sinusundan ng coma, at pagkamatay na kadalasan ay sanhi ng kahirapan sa paghinga. Kung walang agarang pagpapagamot, namamatay ang isang taong may rabies sa unang pitong araw ng sakit.

[baguhin] Pag-iwas sa Rabies

Ang ligtas at epektibong bakuna para sa mga alagang hayop ay isang mainam na paaran upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon sa rabies. Ang pagbabakuna sa mga hayop, higit lalo sa mga aso, ay nagdudulot nang pagbaba ng antas nang pagkakaroon ng sakit na rabies.

[baguhin] Kasaysayan ng Pagdiriwang

Ang kauna-unahang World Rabies Day (WRD) ay itinatag ng Alliance for Rabies Control (ARC) at Centre for Disease Control and Prevention, Atlanta (CDC) noong ika-8 ng Setyembre taong 2007 sa pakikipagtulungan ng World Health Organization (WHO), World Organization for Animal Health (OIE) at ng Pan American Health Organization (PAHO/AMRO). Binuo ng WHO Headquarters (HQ), Regional Offices at iba pang mga rabies Collaborating Centers (CC) ang mga gawain na maaring gawin sa pagdiriwang na ito. Ito ay ang pagtataguyod ng kaalaman hinggil sa epekto ng rabies sa mga tao at sa hayop, ang madaliang pag-iwas dito, at kung paano mapipigilan ang sakit sa mga hayop at tao.

[baguhin] Pagdiriwang sa Pilipinas

Isinasagawa ang World Rabies Day sa buong mundo na may layuning bigyang kamalayan at impormasyon ang mga mamamayan upang mapalawig ang pag-iwas at pagsugpo ng rabies sa pamayanan. Isa sa naitalang selebrasyon ng World Rabies Day sa Pilipinas ay sa Bohol, Visayas kung saan binigyang diin ang pagsisindi ng kandila at pag-aalay ng dasal para sa mga namatay dahil sa rabies. Ginaganap ito taun-taon simula noong 2007 tuwing ika-26 ng Setyembre sa pakikipagtulungan ng Provincial Government at ng Kagawaran ng Edukasyon - Bohol. Ilan pa sa mga nakipagtulungan sa pagdiriwang na ito ay ang City Veterinarian’s Office (CVO), Agricultural Training Institute (ATI), Pitbull Club, DA-RFU 7 Quarantine Office, Media, at ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV). Ilan pa sa mga gawain sa araw ng selebrasyon ng Rabies Day ay ang para-legal training, Bantay Rabies sa Barangay, rabies film showing, Rabies Module Integration in Elementary Curriculum, Kampanya sa Rabies, Dog Registration, Pagbabakuna at Alis Itlog para sa mga alagang aso.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.