World Asthma Day

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

right|thumb|300px|Ang World Asthma Day 2009 logo.

Ang World Asthma Day (WAD) (Filipino trans.: Pandaigdaigan Araw ng Hika) ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing unang Martes ng Mayo at inilunsad ng Global Initiative for Asthma (GINA) upang maipalaganap ang kamulatan ukol sa sakit na hika sa buong mundo.

Ngayong 2009, idaraos ito sa ika-5 ng Mayo na may temang "You Can Control Your Asthma" (Filipino trans.: Kaya Mong Labanan ang Hika), at pangungunahan ang pagdiriwang sa Pilipinas ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

Mga nilalaman

[baguhin] Ang sakit na hika

Ang hika ay isang pangmatagalang sakit sa baga na nagdudulot ng pamamaga at pagsikip ng mga masel sa paligid ng daluyan ng hangin, na nagreresulta sa pagiging sensitibo nito. Ang sinumang may ganitong sakit ay nakakaranas ng paninikip ng dibdib, kahirapan sa paghinga, humihinga ng pahingasing (wheezing), at ubo na kadalasan nagaganap sa gabi o madaling araw.

Sa kasalukuyang istatistika, mahigit-kumulang 22 milyong mamamayan ang may ganitong sakit, at anim na milyon rito ay mga bata.

Mayroong iba't ibang klase ng hika, ngunit ang pinaka-karaniwan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Allergic asthma
  • Exercise induced asthma
  • Occupational asthma
  • Cough variant asthma
  • Nocturnal (nighttime) asthma

Walang tiyak na lunas para rito, ngunit kaya itong kontrolin sa pamamagitan ng paggamit ng asthma inhalers na inireseta ng doktor at pagtuklas kung ano ang nagpapasimula ng pag-atake.

[baguhin] Kasaysayan

Ginanap ang unang pandaigdigang araw ng hika noong 1998 na nilahukan ng higit-kumulang 35 na mga bansa bilang tugon sa unang World Asthma Meeting na naganap sa Barcelona, bansa ng Espanya.

Kabilang ang iba't ibang health care groups, mga doktor, at akademiko sa pag-oorganisa ng mga gawain para sa pagdiriwang, at ito ay naging isa sa mga mahahalagang pangyayari sa larangan ng asthma awareness and education.

[baguhin] Layunin at Kahalagahan

Positibo ang tunguhin ng mga tema bawat taon, at layunin ng World Asthma Day na mapalaganap ang kaalaman ukol sa sakit at kung paano ito sugpuin, sa tulong ng mga propesyonal, edukador, at ng publiko.

Ngayong WAD 2009, nais bigyang atensyon ng GINA ang mga batang may hika, at ang pangangailangan nila sa mas pinaigting na tulong.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.