Wikipilinas, pinarangalan sa Digital Filipino Web Awards

Mula sa Wikifilipino
Pagbabago mula noong 04:51, 3 Disyembre 2010 ni Pinoynimerck (Usapan | ambag)

(pagkakaiba) ← Lumang pagbabago | Pangkasalukuyang pagbabago (pagkakaiba) | Bagong pagbabago → (pagkakaiba)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ang project editor ng Wikipilipinas na si Merck Maguddayao (pangalawa mula sa kanan) kasama ang mga pinarangalan noong 2010 Digital Filipino Web Awards. (Letrato ni Mikhaela de Leon)

Pinarangalan kahapon ang Wikipilipinas sa ika-apat na Digital Filipino Web Awards noong 24 Nobyembre 2010 sa Hotel Intercontinental sa Makati. Nananalo ng Wikipilipinas sa kategoryang Reference (Sanggunian).

Kinilala ng naturang parangal ang 27 sa mga nangungunang websites sa Pilipinas batay sa iba't ibang kategorya. Ang tatlong kategoryang ginamit ng organisador ng parangal, ang DigitalFilipino.com, ay ang search engine competitiveness, technical performance, at social media engagement. Ito ay mga katangiang taglay ng isang website upang ito'y makilala at makatulong sa mga tao upang magbigay ng impormasyon at serbisyo sa mga gumagamit ng Internet. Ginamit ng Digital Filipino ang Search Profile Index upang matukoy ang mga nanalo ngayong taon.

Ang kasalukuyang punong patnugot ng Wikipilipinas na si Merck Maguddayao ang tumanggap ng parangal. Ang mga naunang punong patnugot ng Wikipilipinas ay sina Ma. Jordianne Hernandez, Audrey Lazaro Jalandoni, Jordan Dioquino, Jessica Marquinez, at Baripov Guerrero samantalang ang dating patnugot ng WikiFilipino ay si Sally Eugenio. Ang patnugot naman ng pinakabagong proyekto ng Wikipilipinas, ang Wikihealth, ay si Maureen Flores.

[baguhin] Talaan ng mga nanalo

[baguhin] Sanggunian