Wikifilipino:Tanaga

Mula Wikifilipino

Tanaga

Ang Tanaga ay isa sa mga katutubong tula sa Filipinas, ngunit unti-unti na itong nabubura sa alaala ng sambayanan. Inaanyayahan ng WikiFilipino na mag-ambag ng tanaga sa pitak na ito ang sinumang Filipino. Ipasok lamang ninyo ang tula sa [[Kategorya:Tanaga|{{{PAGENAME}}}]]. Lumikha ng orihinal para sa bayan.

Heto ang mga halimbawa ng tanaga.

Santo Niño

Sanlaksang kaluluwa
ang bumalot sa daan.
Ang ingay at ang kulay
ay biglang naging isa.

—Roberto T. Añonuevo
26 Disyembre 2007

Tagpo sa Noche Buena

Nasok ang limang ibon
Sa singit nitong bubong.
Sumiyap ang inakay,
at dilim ang dumantay.

—Roberto T. Añonuevo
7 Disyembre 2007

Pansariling gamit
 Espesyal na Proyekto
Proyekto Vibal Foundation
 Taguyod