Wikifilipino:Pagpapakilala
Mula Wikifilipino
Nilalaman |
Paliwanag
Supling ng Wikipilipinas, na dating Wikipiniana, ang WikiFilipino. Layon ng WikiFilipino na makabuo ng malawak, malalim, at makabuluhang pintungan ng karunungang magagamit ng bawat Filipino saanmang panig ng mundo siya naroroon.
Bayanihang proyekto ng mga boluntaryong nagmamalasakit sa Filipinas ang WikiFilipino. Maliban sa ilang pagkakataon, ang nilalaman ng WikiFilipino ay maaaring baguhin, bawasan, dagdagan, o pakinisin sa anumang oras ng kahit na sinong tao na may kakayahang gumamit ng internet at sumulat sa wikang Filipino. Gayunman, ang mga ambag ay dapat sumunod sa patakaran ng WikiFilipino Tulong! na pinagtibay ng mga editor ng WikiFilipino.
Kahawig ng patakaran ng Wikipedia ang patakaran ng WikiFilipino ngunit malaki ang pagkakaiba sa maraming pagkakataon. Ang inobasyon ng WikiFilipino ay mula sa pinagsama-samang malikhaing pagsisikap ng mga tao na may kabihasaan sa sari-saring lárang.
Pakahulugan
Ang taguring "WikiFilipino" ay tambalan ng mga katagang "wiki" (na isang uri ng bayanihang website) at "Filipino" na tumutukoy sa tao, kaisipan, wika, at anumang bagay na may kinalaman sa Filipinas.
Mga Pasimuno
Ipinundar ni Gaspar Vibal ang WikiFilipino, pinangasiwaan ni Alfred Ursua, binalangkas sa web ni Richard Grimaldo, at pinamatnugutan ni Roberto T. Añonuevo hanggang 15 Marso 2008.
Kabilang naman sa bumuo ng samot-saring web disenyo ng WikiFilipino sina Sherlock Bactin at Christopher B. Payawal.
Sina Clarizze Elaine C. Kabigting, Bambie Untalan, at Leonides C. Cuntapay ang ilan sa mga nagsimulang mag-ambag, magbuo, at magkarga ng mga akda sa WikiFilipino.
Tanggapan
Ang WikiFilipino pinapatakbo ng Vibal Foundation at may tanggapan sa 1253 G. Araneta Avenue, Lungsod Quezon, 1104.
Kung may mga tanong kayo, sumulat sa inquire@wikipilipinas.org, o kaya'y dumalaw sa www.wikipilipinas.org.







