Wikifilipino:Donasyon
Mula Wikifilipino
Paliwanag
Malaking tungkulin ang ginagampanan ng Vibal Foundation upang patakbuhin ang WikiFilipino, kaya nangangailangan din ito ng malawakang network ng mga institusyon, tanggapan, at indibidwal na handang tumustos sa mga pangangailangang pananalapi nito. Labis na magastos ang pagpapanatili ng kagamitan, tauhan, at iba pang kaugnay na bagay hinggil sa elektronikong paglalathala.
Anumang halaga ang inyong maiambag para sa WikiFilipino ay tatanawin naming malaking utang na loob. Kung nais ninyong tumulong, Ipadala ang inyong donasyon sa tanggapan ng Vibal Foundation na matatagpuan sa 1253 G. Araneta Avenue, Lungsod Quezon, 1104.
Kung may mga tanong kayo, sumulat sa inquire@wikifilipino.org o kaya'y sa inquire@wikipilipinas.org, o dumalaw sa www.wikipilipinas.org.
Tumulong kayo upang maisulong ng WikiFilipino ang makabuluhang pag-unlad ng mga Filipino.







