Wikang Tagalog

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Tagalog (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino) ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at ito ang de facto ngunit hindi de jure na batayan na siyang pambansang wikang Filipino. Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" at ilog, ibig sabihin ay mga taong naninirahan sa tabi ng ilog. Walang mga halimbawa ng Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na ito ay marahil sinunog ng mga unang paring Kastila, sapagkat sinasabing masademonyo ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito. Ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, ang mga ninuno ng mga Tagalog ay nagmula sa hilagang silangang Mindanao o sa silangang Visayas, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-gitnang Pilipinas.

Ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog ay ang Doctrina Cristiana (Christian Doctrine) noong 1593. Ito ay nakasulat sa Espanyol at dalawang uri sa Tagalog; ang una ay nakasulat sa Baybayin at ang isa naman ay sa titik Latin. Ang TAGALOG ay salitang hinango sa taga-irog dahil kilala ang pangkat ng kayumangging ito sa pag irog sa sinisintang kabiyak at pagiging tapat din sa pakikipag ugnayan sa pinili niyang makasama sa buhay.Ito ay batay sa nakaraang kaganapan nang ang mga tao ay may higit pang katinuan at takot sa DIOS may kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang tagalog "mahirap mamangka sa dalawang ilog/irog?.Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano katanda ang wikang ito,subalit may dokumento o kasulatan na nakalimbag sa tanso na nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wika na pinagmulan ng wikang tagalog ay umiiral at ginagamit na mahigit isang libong taon nang nakalipas!Ito ang SULAT SA TANSO NG LAGUNA ng taong 822 A.D. na patuloy pang inuusisa at pinag aaralan ng mga nagdalubhasa sa wika.Ang mga katutubong wika sa pilipinas ay ipinalagay na sangay na kauri ng wikang tagalog at ang mga ito ay patuloy paring gamit sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa.Nang dumagsa ang mga espaniol sa kapuluan ng bansang ito, nasumpungan nila na may kabihasnan na dito na may wika,panulat na baybayin at mga payak na lipunan na may pinuno ang bawat pangkat o baranggay na tinawag na DATU.Sa pagtuturo nila ng kaalaman mula sa Europeo,nahubog ang kaisipan at kulturang pilipino sa kaisipang dayuhan at nagpatuloy ito hanggang sa pagdagsa dito ng Amerikano at hapon sa paglipas ng mga panahon.Sa kabila ng inpluwensiyang ito, Ang wikang tagalog pa rin ang kinilalang pambansang wika nakalalamang sa ibang dialekto at maging sa wikang Ingles at wikang Español dito sa ating bansa.

[baguhin] Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas

Ang Tagalog ay ginagamit bilang lingua franca ng Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan at sa pangkalakalan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan. Ang Wikang Tagalog ay isa sa una at may mataas na uri ng Wika sa kapuluang Pilipinas.Isa sa patunay ng kagulangan nito ay ang dokumento ng LAGUNA COPPERPLATE INSCRIPTION ng taong 822 A.D. na bagamat may pagkakaiba ng anyo nito sa kasalukuyang Tagalog ay may patunay na ito nga ang Inang Wika ng bagong tagalog natin sa Pilipinas.Ang lawig ng panahon ng pakikipag ugnayan ng kabihasnang tagalog sa ibat ibang lahi ng mga tao sa ating kapuluan ay nagpayabong at nagpayaman sa wikang ito.Sa kasalukuyan, ang wikang tagalog ay siyang "lingua franca" o siyang kinilalang pangkaraniwang wika na kinikilala at siya ring Pambansang Wika ng Republika ng Pilipinas.Ikalawa dito ay ang mga wika ng bawat rehiyon ng bansa katulad ng Hiligaynon, Cebuano,Bikol,Ilokano,Kapampangan,Pangasinan at iba pa.ang wikang Inggles ay siyang wikang pangdayuhan at sa mga nagsisigawa sa mga kawanihan o tanggapan na nakikipagugnayan at nakikipagtalastasan di lang sa mga pilipino kundi sa mga taga-ibang bansa din naman.

[baguhin] Mga wikain o diyalekto

[baguhin] Maynila

Ang Tagalog ang siyang ginagamit na salita sa Maynila. Ito'y madalas na hinahaluan ng iba’t ibang mga panrehiyon na salita. Ang Maynila ang tumatayo bilang melting pot ng mga pangkat etnolingwistiko ng bansa. Ang salitang Tagalog ng Maynila ay may pagka-orihinal, madarama mo ang kasaysayan ng Pilipinas sa bawat pagbigkas ng mga salitang naangkop na ngayon sa wikaing ito; bagamat hiram na salita sa dayuhang mananakop, inangkin nang sarili ng mga Pilipino ang bawat salitang ito; at lagi na ring gamit sa lahat ng mga usapin. May pagkamabagal ang pagbigkas at may halong mga banyagang salita ang Tagalog ng Maynila; kabilang dito ang mga hiram na salita galing sa Kastila at Ingles ng mga Amerikano. Kadalasan, naipagkakasing-kahulugan na ang Taglish at ang Tagalog ng Maynila buhat ng malawak na paghiram mula sa Ingles. Ito ang naging batayan para sa Pilipino at, pagkatapos, sa Filipino.

Sakop: Kalakhang Maynila, Cavite, at lahat ng mga bayan ng Laguna sa kanluran ng Pagsanjan.

[baguhin] Bataan

Ang Tagalog ng Bataan at Zambales ay maitutulad sa Tagalog ng Maynila, bagama't madalas na nahahaluan ng Ilokano at/o Kapampangan.

Sakop: Bataan, timugang bahagi ng Zambales, Olongapo, at mga bayan ng Pampanga.

[baguhin] Bulacan

Ang Tagalog ng Bulacan ay mayroong pagkamasalita kung ihahambing sa Tagalog ng Maynila. Maraming salita sa wikaing Bulakenyo ay hindi nauunawaan sa Kalakhang Maynila. Bukod pa rito, mabilis magsalita ang mga Bulakenyo subalit tunay na mahusay sila sa larangan ng pananalumpati at pagtula..

Sakop: Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija.

[baguhin] Batangas

Ang Batangas ang pinagmulan ng wikang Tagalog at dahil dito, pinakamalapit sa Sinaunang Tagalog ang Tagalog na binibigkas dito kung ihahambing sa ibang mga wikain. Ginagamit pa rin dito ang mga salitang nagmula sa Sanskrit, Arabo, at Persian. Binibigkas ng mabilis at may makapal na punto ang Tagalog sa Batangas, at may ibang himig ito sa wikain ng Maynila. Ang ilang pangunahin at kilalang pagkakaiba nito sa wikain ng Maynila ay ang paggamit ng salitang ire sa halip na ito, dine sa halip na dito at ga sa halip na ba.

Sakop: Batangas.

[baguhin] Tanay-Paete

Sakop: Lahat ng mga bayan sa silangan ng Pagsanjan, Laguna, at Rizal.

[baguhin] Marinduque

Ang Tagalog ng Marinduque ay nagpapakita ng impluwensya mula sa mga wikain ng Kabisayaan. Karamihan sa mga nagsasalita ng Tagalog ay hindi nakakaunawa sa wikang ginagamit sa Marinduque.

Sakop: Marinduque.

[baguhin] Lubang

Isang anyo ng Tagalog ng Batangas.

Sakop: pulo ng Mindoro, kapuluang Lubang, Nasugbu.

[baguhin] Tayabas

Ang Tagalog na binibigkas sa lalawigan ng Quezon ang pinaka-naiiba sa mga anyo ng Tagalog. Malawak ang paglagom nito ng mga salitang Kastila, Fukyen, at Bikolano; ilan ding mga salita ang hindi nauunawaan ng ibang mga nagsasalita ng Tagalog. Bukod sa karaniwang “ya”, na katumbas ng Batanggenyong “ala e”, may higit-kumulang 200 salita na ginagamit lamang sa lalawigan ng Quezon, lalo na sa silangang bahagi ng lalawigan. Halimbawa ang abyad (asikasuhin), balam (mabagal), dasig (usog), dayag (maghugas ng mga pinggan), hambo (maligo), lagumba (magloko-lokohan), pulandit (talsik), tibulbok (pagyanig, vibration), yano (sobra), at iba pa.

Tila nahahati rin ang Tagalog ng Tayabas sa dalawang anyo: ang anyong kanluran na mas nalalapit sa Batanggenyo at ang anyong silangan na mas nalalapit sa Bikolano.

Sakop: Quezon, Camarines Norte. Tagalog Cavite- Ang tagalog na ito ay nasa hanay ng timug katagalugan kasama ng Batanggas,laguna at Quezon.Ang pagiging malapit ng Cavite sa kamaynilaan/batanggas ang naging dahilan ng lahukang tagalog nito na tunug Batanggas at Maynila/Bulakan.Ang tagalog cavite sa gawing timug ng lalawigan nito ay nakapaling sa Tono o punto ng batanggas kaya lang ay may kabagalan ito at malinaw kung bigkasin.Ang Cavite ay isa sa pinakamatandang lalawigan sa pilipinas ay dating kilala sa katawagang lalawigan ng Tangway,ang pangalang ito ay ginamit simula sa panahon ng kastila hanggang sa palibot ng taong 1950.Ang pangalang Cavite ay nagmula sa pangalan ng matandang bayan nito na kilalang Kawit.Naging Cavite ito sa baybay espaniol at ang pagdugsong ng puntong eh sa cavit,kaya sa kalaunan ay naging Cavite.Maraming salita at expressions o dagliang pangungusap ang nagbigay kaibahan sa tagalog cavite kapag ihinambing sa tagalog kamaynilaan.bagamat may pagkakaiba ang mga ito,ang pangunawa sa pakikipagtalastasan ay sumusunod pa rin sa patakaran ng salita ng wikang tagalog.Narito ang ilang mga pangungusap na di karaniwan sa kamaynilaan.1. Sa biglang pagtaas ng tubig dahil sa malakas na ulan ay napaigtad ako sa kinatatayuan ko! 2. Napagawi ako sa ilat na iyan,mangilanngilan din naman ang ista gaya ng igat,may ulang at katam din naman. 3. sal-itan nga kitang maghalo nireng tilbok sa kawa! 4. saksa ang gulay sa baraka,kitang mamaraka nang abutin natin ang tulpukan! 5. lagyan mo nga nang panangga yaang batang iyan nang hindi laging nauuya! 6. Nagdala nga ng bug-ong wala namang kutsara!magsakol na lang kitang kainin itong dala mong pagkain! 7. oy,binata! pagkasiwal mo!piliin mo nga yaang makakaharap mo baka sintugin yang makabangga mo! 8. astang taga-maynila ka na ah! kaya lang maitim ka pa rin! 9. nabagu na ang dating daan! di ko na ito gamay,mahihirapan akong matukoy ang hinahanap ko! 10. sa iyong mga ikinikilos,talastas ko na ang iniisip mo! nasasaklawan: Ilaya at kanlurang bahagi ng cavite maging ng kadugsong nitong mga bayan ng batanggas tulad ng nasugbu,lian,laurel,talisay,lemery at iba pang kalapit na mga bayan nito.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Kawing Panlabas

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Wikang Tagalog. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.