West Philippine Sea

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang South China Sea

West Philippine Sea

Ang West Philippine Sea ay ang karagatang nasa kanlurang bahagi ng Pilipinas kung saan nasasakop ang inaangking teritoryo (Spratly Islands) ng bansa laban sa lima pang bansa. Nagdesisyon ang pamahalaan ng Pilipinas na baguhin ang dating bansag ng karagatang ito na South China Sea. [1] Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang paggamit ng West Philippine Sea sa halip na South China Sea ay tumutukoy sa pinatatalunang teritoryo na nagtataglay ng tradisyon at kasaysayan ng Pilipinas at siya ring sumasalamin sa angkop na lokasyong heograpiko nito.[2]

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Tulad ng ibang bansa na nakapaligid sa karagatang ito, nagpasya ang pamahalaan ng Pilipinas na tawagin ang South China Sea ayon sa punto-de-vista ng bansa, kung kaya't West Philippine Sea. East Sea ang tawag dito ng Vietnam samantalang South Sea naman ang tawag nito sa Tsina.[3]

Ang pagpapalit ng pangalan nito ay pinangunahan ng miyembro ng partidong AKBAYAN na si Walden Bello. Nagsampa ng panukala si Bello, ang House Resolution No. 1350, na nagmumungkahing palitan ang pangalang South China Sea ng West Philippine Sea upang mas lalong mapagtibay ang mga ebidensya ng pag-angkin ng bansa sa kontrobersyal na Spratly Islands at ang yamang matatagpuan dito. [4]

Unang ginamit ang West Philippine Sea ng palasyo noong 10 Hunyo 2011 bilang tugon sa banta ng Tsina, isa sa mga bansang karibal nito sa pag-angkin ng Spratly Islands, sa pamamagitan ng ambasador ng Tsina sa Pilipinas na si Liu Jianchao. Binataan ng Tsina na ipapatigil ang lahat ng operasyong may kinalaman sa paghahanap ng langis sa mga isla ng Sprtaly kung wala itong pahintulot mula sa pamahalaan ng Tsina.[5]

[baguhin] Lokasyon

Ang West Philippine Sea ay matatagpuan sa timog ng Tsina at Taiwan, kanluran ng Pilipinas, hilagang kanluran ng Malaysia at Brunie, hilaga ng Indonesia, hilagang silangang bahagi ng Singapore at silangan ng Vietnam.[6] Ito ay nagtataglay ng pambihirang dami ng yamang-tubig, kasama na dito ang 30% na lahat ng coral reefs sa buong mundo at maraming mga isda. Bukod pa rito, ito ang pangalawa sa pinaka-abalang ruta sa dagat kung saan dumadaan ang mga tanker na nagdadala ng langis. Samakatuwid, isa itong mahalaga at estratihikong lokasyon ng isang makapangyarihang hukbong pandagat. Nadiskubre rin na ito ay nagtataglay ng saganang langis at natural na gaas na siyang naging dahilan kung bakit inaangkin ito ng iba't ibang bansa.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kamalian sa pagtukoy: Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>