Waling-waling

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Waling-waling (Picture from ([1]).

Ang Waling-waling (Vanda sanderiana), “Reyna ng mga Orkidya sa Pilipinas”, ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamagandang orkidya sa mundo. Natuklasan ito ng isang Aleman na taxonomist na si Heinrich Gustav Reicheinback, noong 1882 sa Mindanao. Simula noon, ito na ang isa sa mga hinahanap-hanap ng bulaklak sa bansa. Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Davao, Sultan Kudarat at ilan pang parte ng Mindanao.

Mga nilalaman

[baguhin] Katangian

Ang waling-waling ay tumutubo ng may taas na 60 hanggang 120 sentimetro. Ito ay nagsisimulang mamukadkad kapag ito ay may haba na 30 sentimetro at may ilang bilang ng mga patag at baluktot na mga dahon. Ang bulaklak, ang pinakamalaki sa lahat ng orkidya sa Pilipinas, ay may lapad na 7.5 hanggang 12.5 sentimetro.

[baguhin] Pagtubo

White Waling-waling (Picture from ([2]).

Ang waling-waling ay tumutubo sa kagubatan ng Mindanao na may mataas na kahalumigmigan, temperatura at pag-ulan sa buong taon. Bagaman, ang waling-waling ay isang epiphytic ( isang halaman o bulaklak na tumutubo sa mga puno ngunit hindi kumukuha ng nutrisyon sa puno), ito ay maaaring palakihin at itanim sa mga plorera o paso na may kasamang piraso ng uling. Ito ay nangangailangan ng saganang sikat ng araw at regular na suplay ng pataba upang mamulaklak.

[baguhin] Gamit

Ginagamit ang waling-waling para sa corsage at sa mga kasal. Ito rin ay ginagamit ng mga orchid breeders upang gumawa ng mga bagong hybrid ng waling-waling.


[baguhin] Sanggunian

  • Plants of the Philippines. 2nd edition. Quezon City: Pundasyon sa Pagpapaunlad ng Kaalaman sa Pagtuturo ng Agham, Ink., 1996.
  • Waling-Waling. (Hinango noong 13 Mayo 2008).
  • Waling Waling. (Hinango noong 13 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.