Vicente S. Manansala

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Vicente Manansala)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Vicente Manansala (Picture from ([1]).

Si Vicente S. Manansala (22 Enero 1910 - 1981) ay isang modernong Pilipinong pintor. Noong 1981, itinuring siyang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining (posthumous). Siya ang itinuturing na nagsimula ng estilong cubism sa bansa. Isa si Manansala sa Thirteen Moderns na pinangungunahan ni Victorio C. Edades at isa sa Big Three ng modernist movement, kasama sina Cesar Legaspi at Hernando R. Ocampo. Dagdag pa rito, binuo niya ang grupo ng mga Neo-Realists kasama sina Romeo Tabuena at Anita Magsaysay-Ho.

Ipinanganak si Manansala noong 1910 sa Macabebe, Pampanga, ikalawa sa walong anak. Isang taon bago siya mag-kolehiyo, nagtrabaho siya bilang tagapinta ng mga paskil para sa mga pelikula. Pinakasalan niya si Hermengilda Diaz noong 1937. Namatay siya noong 1981 sa Lungsod Makati.

Mga nilalaman

[baguhin] Edukasyon

Nag-aral si Manansala sa UP School of Fine Arts noong 1926-1930 at nagtungo sa Canada upang muling mag-aral sa tulong ng UNESCO grant noong 1949. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Paris sa tulong ng iskolarsip na handog ng Pamahalaang Pranses noong 1950. Taong 1960 naman nang bigyan siya ng U.S. Dept. of State Specialist grant upang pag-aralan ang paggawa ng stained glass sa New York. Nagpakadalubhasa rin siya sa Otis Art Institute noong 1967. Noong 1970, nakatanggap siya ng grant mula sa Alemanya at nag-aral sa Zurich. Kumuha pa siya ng karagdagang pag-aaral at pagsasanay sa Ecole de Beaux Arts sa Montreal, Canada, sa Estados Unidos at sa Pransiya.

[baguhin] Karera

Si Manansala ay naging tagapinta ng billboard at naging isang manggagawa para sa Ipo Dam Construction noong 1930. Naging ilustrador siya noong 1941 para sa Opisinang Pangkultura ng gobyernong Hapon. Noong 1941 ay nanalo siya ng unang gantimpala sa UST National Art Exposition para sa "Pounding Rice". Ang una niyang solong pagtatanghal ay noong 1951, sa Manila Hotel. Pito pa ang sumunod dito. Nagturo siya sa UST School of Fine Arts mula noong 1951 hanggang 1958.

Give Us This Day (Picture from ([2]).

[baguhin] Ilang mga gawa

  • 1940 – Bangkusay Seascape
  • 1948 – Banaklaot
  • 1950, 1980 – Still Life
  • 1950 – Madonna of the Slums
  • 1950 – Cat's Dream
  • 1951 – Jeepneys
  • 1964 – Sugarcane Harvest
  • 1967 – Reclining Mother and Child
  • 1973 – Luksong Tinik
  • 1974 – Kahig
  • 1975 – Market Scene

Nagpinta rin siya ng ilang mga makasaysayang mural tulad ng:

  • Stations of the Cross para sa UP Diliman Chapel
  • Mural para sa Philippine Heart Center
  • Fresco mural para sa National Press Club

[baguhin] Mga Parangal

  • 1941 – Unang gantimpala, National Art Exhibition, UST, para sa Pounding Rice
  • 1950 – Unang gantimpala, Manila Grand Opera House Exhibition, para sa Barong-Barong #1
  • 1950 – Unang gantimpala, Art Association of the Philippines First Annual Art Competition, para sa Banaklaot
  • 1953 – Ikalawang gantimpala, Art Association of the Philippines, para sa Kahig (Scratch)
  • 1955 – Ikalawang gantimpala, Art Association of the Philippines, para sa Fish Vendors
  • 1955 – Ikatlong gantimpala, Art Association of the Philippines, para sa Best-Served, Well-Gained
  • 1957 – Outstanding UP Alumnus
  • 1962 – Ikalawang gantimpala, Art Association of the Philippines, para sa Give Us This Day
  • 1962 – Best in Show, Art Association of the Philippines, para sa Give Us This Day
  • 1963 – Republic Cultural Heritage Award
  • 1970 – Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, from the City of Manila
  • 1981 – Pambansang Alagad ng Sining

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IV. Philippine Visual Arts. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Duldulao, Manuel. A Century of Realism in Philippine Art. Quezon City:Legacy Publishers, 1992.
  • Kulay-Diwa: Gallery of Philippine Contemporary Art. (Hinango noong 29 Abril 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.