United Nations

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang United Nations ay isang internasyonal na organisasyong itinatag noong 1945 pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Layunin ng 51 bansang nagtatag nito ang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa gitna ng mga kasaping bansa, itaguyod ang magandang relasyon upang isulong ang kaunlaran, at upang magkaroon ng mas mabisang pamantayan sa pamumuhay at karapatang pantao. Higit na kilala ang United Nations para sa mga hakbang nito para sa pananatili ng kapayapaan ngunit mayroon ring iba't ibang ahensya at programa ang UN upang mapabuti ang mga buhay ng mga mamamayan sa lahat ng mga bansa sa mundo. Isinusulong ng organisasyon ang pagtataguyod ng proteksyon para sa kalikasan, pagbibigay ng tulong sa mga sinalanta ng sakuna at kalamidad at pagtataguyod ng kalayaan at karapatang pantao.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang katagang “United Nations” ay nagmula sa dating pangulo ng United States na si Franklin Roosevelt. Unang ginamit ang salitang ito noong ika-1 ng Enero 1942, noong idineklara ng 26 na bansa ang kanilang pakikiisa sa paglaban sa ikalawang digmaang pandaigdig laban sa tinaguriang Axis Powers.

[baguhin] Pangkalahatang Kapulungan

Sinimulan ni Joseph A. Campo Alias PARADOX_45 ang pang kalahatang pagbabago sa mundo ng naimbinto nya ang transpace ang bagay na kayang mag lakbay sa mundo sa loob bg maliit na panahon. sya ay nakatira sa sirawan toril davao city .. at nagaaral sa inawayan sya si joseph campo na gwapo kaayo.... suya lang mo ..{paradox}--119.94.110.255 12:47, 8 Disyembre 2014 (UTC)


Halimbawa.jpg

[baguhin] Mga Komite

Binubuo ang pangkalahatang kapulungan ng iba't ibang komite upang mapagtibay ang mga mithiin ng organisasyon.

[baguhin] Komite sa Internasyonal na Seguridad

Ang komiteng ito ang nangangalaga sa seguridad ng mga bansa laban sa terorismo at iba pang banta sa kaayusan at kapayapaan ng mga bansa.

[baguhin] Komite sa Ekonomiya

Ang komiteng ito ang nangangalaga sa pang-ekonomiyang interes ng mga kasaping bansa.

[baguhin] Komiteng Pang-sosyal, humanitaryan at kultural

Ang komiteng ito ang sumasagot sa mga isyung sosyal at humanitaryan.

[baguhin] Komite sa Politika

Ito ang komite na sumasagot sa mga isyung politikal na hindi nasasakop ng unang komite o ng komite sa internasyonal na seguridad.

[baguhin] Komite sa Badyet

Ito ang nangangalaga sa badyet at pamamahala ng mga pangangailangang pinansyal ng organisasyon.

[baguhin] Legal na Komite

Ang komiteng ito ang nangangalaga sa mga pangangailangang legal ng organisasyon.

[baguhin] Komisyon

Ang mga sumusunod ang mga komisyong nasa ilalim ng organisasyon: Disarmament Commission International Civil Service Commission International Law Commission United Nations Commission on International Trade Law United Nations Conciliation Commission for Palestine

[baguhin] Simbulo at Watawat

Ang simbulo ng United Nations ay inaprubahan noong ika-7 ng Disyembre 1946. Ang disenyo ay ang mapa ng mundo na sumasagisag sa mga bansang kasapi sa organisasyon at ang dalawang anilyo ay sumisibulo sa kapayapaan.

Ang watawat ng United Nations ay sinang-ayunan noong ika-20 ng Oktubre 1947. Nasa sentro ng asul na kulay ang simbulo ng organisasyon.

[baguhin] UN Foundation

Ang UN Foundation ay itinatag noong 1998 sa pamamagitan ng tulong mula sa pilantropong si Ted Turner upang suportahan ng mga aktibidad at programa ng organisasyon.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.