Unibersidad ng Santo Tomas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
USTLogo.jpg

Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay tinaguriang ang natatanging “royal, pontipiko, at Katolikong unibersidad" sa Pilipinas at maging sa Asya. Ipinundar ito noong 28 Abril 1611 ni Miguel de Benavides, at ngayon ay pinatatakbo ng Order of Preachers (OP). Ang unibersidad ay binubuo ng mga fakultad, kolehiyo, paaralan, at linangang nagbibigay ng mga titulong di-gradwado at gradwado. Akreditado ng Commission of Higher Education(CHED) ang ilang digri bilang Sentro ng Kaunlaran at Mga Sentro ng Kahusayan.

Nasa distrito ng Sampaloc ang UST, at binubuo ng 220,000 metro kuwadrado. Ang unang kampus ng UST ay nasa loob ng Intramuros ngunit inilipat iyon sa Sampaloc dahil mabilis ang paglaki ng populasyon nito. Sa kasalukuyan, ang UST ay isinasaayos ngayon ang pagdaragdag ng mga bagong kampus sa Santa Rosa, Laguna, Lungsod General Santos, at Negombo, Sri Lanka.

Tinawag na UST Growling Tigers ang mga pangkat ng atleta nito na pawang humakot ng pangaral sa iba't ibang kompetisyon, gaya ng basketbol, volleybol, taekwondo, chess, swimming, at sayaw.

Pambihira ang mga estudyanteng nagsipagtapos sa UST, at kabilang dito ang mga naging tanyag na bayani, relihiyoso, pangulo, hukom, mambabatas, negosyante, artista, manunulat, beauty queen, doktor, abogado, siyentipiko, at iba pa.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.