Unang Republika ng Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Talaksan:Philippines flag original.png
Watawat ng Unang Republika ng Pilipinas

Ang Unang Republika ng Pilipinas (opisyal na tinawag na República Filipina, Ingles: Philippine Republic) ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, ang Pangulo ng republika, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.

Ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mga Espanyol. Ipinahayag ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyonaryo na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 23, 1898.

Nagkaroon ang republikang ito ng Kongresong nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Si Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas

[baguhin] Mga naunang uri ng pamahalaan

Maraming mga uri ng pamahalaan ang ginamit ng mga rebolusyonaryo. Itinatag ni Emilio Aguinaldo ang pamahalaan sa Biak-na-Bato noong Hulyo 7, 1897 na nagpatapon sa mga pinuno ng himagsikan sa Hong Kong. Nang bumalik sila sa Pilipinas, itinatag niya ang pamahalaang diktatoryal upang ipawalang-bisa ang pamahalaan sa Biak-na-Bato. Pinalitan ang pamahalaan diktatoryal ng pamahalaang rebolusyonaryo noong Hunyo 23, 1898.

[baguhin] Pagtatatag ng republika

Ipinagtibay ang Constitución política de la República Filipina noong Enero 21, 1899 sa Simbahan ng Barasoain. Matapos ang dalawang araw, itinatag ang republika na pinamunuan ni Aguinaldo.

[baguhin] Digmaang Pilipino-Amerikano

Naging kaalyado ng Estados Unidos ang republika laban sa mga Espanyol, ngunit naging malinaw ang naging hangarin nito na makuha ang Pilipinas. Tumaas ang tensyon ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano hanggang sa sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899. Nang makuha ng mga Amerikano ang Malolos, lumikas si Aguinaldo patungo sa Hilagang Luzon. Binuwag niya ang sandatahang lakas at umasa sa pakikipaglaban ng mga gerilya. Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 ng mga Amerikanong sundalo na pinamunuan ni Heneral Frederick Funston. Nanumpa si Aguinaldo ng katapatan noong Abril 1, at tuluyang nagwakas ang unang republika. Ngunit matapos ang pagbagsak ng republika, marami pa rin ang nakipaglaban para sa kalayaan.

[baguhin] Panlabas na Kawing


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Unang Republika ng Pilipinas. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.