Unang Pahina

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
mabuhayJun2010.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
9,068 artikulo sa Filipino at dumarami....
flag.gif

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit


Ilog sa puerto princesa.jpg

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New Seven Wonders of Nature na. Matatagpuan ito sa Palawan, humigit-kumulang 50 kilometro sa hilaga ang layo mula sa siuydad ng Lungsod Puerto Princesa. Ito ay itinuturing na pinakamahabang maaring daanan na underground river sa buong mundo. Ang National Park ay bahagi ng Saint Paul Mountain Range na matatagpuan sa hilagang bahagi ng isla.


Wiki-Balita

edit

Mas estriktong pagpapatupad ng coding scheme, sisimulan sa Oktubre 25

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula Okt. 25 ay aalisin na ang “window hours” ng number coding scheme ng mga motorista sa EDSA at C5 Road. Ang window hours ay ang limang oras – mula 10 ng umaga hanggang 3 ng hapon – na maaaring bumiyahe ang mga may coding na sasakyan nang hindi huhulihin ng awtoridad.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, ang nasabing panukala ay upang mas mabawasan pa ang perwisyong dulot ng trapik. Dagdag pa niya, maaaring bumaba ng hanggang 20 porsiyento ang dami ng mga sasakyang dumaraan ng EDSA at C5 Road sa tulong ng panukalang ito. Aniya, kung magiging maganda ang resulta ng bagong panukala, maaari itong patuloy na ipatupad kahit tapos na ang holiday season.

Pakiusap naman ni Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) Chief Supt. Antonio Gardiola sa mga pinuno ng local governments na makipagtulungan ang kanilang traffic management groups at volunteer groups sa Interagency Council on Traffic (I-Act), ang grupong binuo ni Pangulong Duterte upang solusyonan ang mga problema sa trapiko.


'

Taas-Noo Pilipino

edit


Maxine Medina.jpg

Si Maria Mika Maxine Medina, o mas kilala bilang Maxine Medina, ay isang beauty queen at freelance interior designer. Siya ang kinatawan ng Pilipinas sa ika-65 Miss Universe na kung saan siya'y nakapasok sa ika-anim na pwesto.



Tatak Pinoy!

edit

Tikoy.jpg

Ang Nian Gao, mas kilala sa Pilipinas bilang Tikoy, ay isang tanyag na pagkain ng mga Tsino lalo na tuwing sasapit ang Chinese New Year. Tinatawag ding Chinese New Year's cake, ito ay isang matamis na kakanin na gawa sa malagkit na kanin (Oryza glutinosa) na isang uri ng butil na talamak sa mga bansang Asyano. Isa ito sa pinakamahahalagang pagkaing inihahanda para sa pagdiriwang ng Bagong Taon batay sa Chinese Lunar Calendar.



Tampok na Video

edit


Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

Ngayong Buwan...

edit


Pintados de Pasi Festival.png

Ang Pintados de Pasi Festival ay taunang pagdiriwang na dinaraos tuwing ikatlong linggo ng Marso sa probinsiya ng Iloilo. Itinaon ang kapistahan sa petsa kung kailan naging siyudad ang Passi, Marso 14, 1998.

Ang selebrasyong ito ay sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng Passi, Iloilo. Pangunahing bahagi ng Pintado de Pasi Festival ang sayawan ng mga taong napapalamutian ng tradisyunal na tattoo sa buong katawan. Sa saliw ng musikang lumalabas mula sa tambol, plastik at kawayan umiindayog ang mga mananayaw. Ang itaas na bahagi ng kanilang katawan animo’y alon na marahang hinahampas ng hangin. Mayroon ding talon, ikot, lukso at pagsipang paggalaw na parang isang mandirigma.


Alam mo ba...

edit


Na ang pinakaunang naitalang matagumpay na pag-akyat sa Mount Apo ay pinangunahan ni Don Joaquin Rajal, isang Spanish general. Bago umakyat ng bundok, humingi siya ng permiso sa pinuno ng mga Bagobo na si Datu Manig. Nakiusap umano ang Datu sa kaniya na mag-alay upang kaluguran ni Mandarangan, ang Diyos ng Digmaan. Ngunit, pumayag naman si Datu Manig na huwag na lamang mag-alay. Umakyat ng bundok sina Rajal at mga kasama noong ika-6 ng Oktubre 1880 at natapos makalipas ang limang araw. Magmula noo'y sunud-sunod na ang ekspedisyon sa Mt. Apo. Mababasa sa “The Ascent o Mount Apo” ni Fr. Miguel A. Bernad, SJ ang historical account ng mga naunang eksplorasyon ng Mt. Apo. Isa ang Mt. Apo, na pinakamataas na bundok sa Pilipinas, sa pinakasikat na climbing destinations sa bansa.


'

Mga Kasabihan at Salawikain

edit

Anonimos


"Anuman ang tibay ng piling abaka,
ay wala ring lakas kapag nag-iisa"


'