Unang Pahina

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
mabuhayJun2010.png
Tuloy kayo sa WikiFilipino
8,998 artikulo sa Filipino at dumarami....
flag.gif

Sumali sa Komunidad ng Wiki

Gabay sa pagsusulat sa Wiki

Tampok na Artikulo

edit


Araw ng Kalayaan

Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nabigyang kaganapan noong Hunyo 12, 1898 kung saan idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika.





Wiki-Balita

edit

Muling nanawagan ang Disaster Risk Reduction and Management Council ng Quezon City na ideklarang danger zone ang 7-km stretch ng fault system na binabagtas ang siyudad.

Taong 2014 ng magsagawa ang lokal na pamahalaan ng QC, Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), at Geoscience Australia ng trenching activity sa West Valley Fault Line sa Barangay Bagong Silangan upang alamin at tukuyin ang mga traces ng fault line pati na ang ground rupture movements at slip rate estimates nito. may karugtong...


'

Taas-Noo Pilipino

edit


Joserizal.jpg

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.


Tatak Pinoy!

edit

Sorbetes.jpg

Ang Sorbetes ( o dirty ice cream) ay ang lokal na bersyon ng ayskrim na kadalasang itinitinda sa isang de-tulak na karitela. Noong 1920s unang natikman ng mga Pilipino ang matamis at malamig na pagkaing ito. Pinakakinagigiliwang timpla nito ay keso, ube, mangga at tsokolate, at iba pang bungang likas sa Pilipinas (gaya ng avocado at buko). Dalawang uri ng apa ang pinaglalagyan ng sorbetes – mayroong kulay kahel na bahagyang malambot; at isang kulay krema na matamis at higit na malutong. Maliban dito, maaari ring sa plastik na puswelo ilagay ang sorbetes at kinakain ito gamit ang munting kutsarang yari sa kahoy.


Tampok na Video

edit


Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista, ang patron ng mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada nito sa buong bayan.

Ngayong Buwan...

edit


Pintados Festival

Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili.



Alam mo ba...

edit


Na tinangkang patayin ng dating boksingero na naging gerilya na si Feliciano “Little Jo” Lizardo ang dating Presidente Jose P. Laurel habang ito'y naglalaro ng golf sa Wack Wack Golf and Country Club noong ika-5 ng Hunyo 1943. Nang dalhin sa ospital ng mga hapon si Lizardo upang tukuyin ni Laurel kung siya nga ang nagtangkang pumatay sa kaniya, sinadya niyang hindi ito kilalanin upang mailigtas ito. Nagsilbing tapat na badigard ni Laurel si Lizardo mula noong eleksiyon ng 1949 hanggang sa bawian ng buhay ang una noong 1959.


'

Mga Kasabihan at Salawikain

edit

Anonimos


"Walang sumisira sa bakal,
Kundi sariling kalawang."


'