Tuwaang

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Tuwaang ay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ring libangan tuwing may libing, kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa saganing ani, o sa isang matagumpay na pangangaso.

Ang bawat awit ng epiko ng Tuwaang ay ipinakikilala ng mang-aawit gamit ang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit; at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. Mayroong higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon, dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.

Ito ay ang Mangovayt Buhong na Langit (The Maiden of the Buhong Sky) at Midsakop Tabpopawoy (Tuwaang Attends a Wedding). Sa unang awit, iniligtas ni Tuwaang ang isang dilag mula sa kanyang dambuhalang manliligaw, isang lalaki mula sa Pangumanon. Gamit ang laway ni Tuwaang, napabuhay niyang muli ang mga taong pinatay ng higante. Dinala ni Tuwaang ang dilag sa kanyang bayan at doon, ay may nakasagupa na naman siyang isang katunggali. Pagkatapos, si Tuwaang at ang kanyang mamamayan ay sumakay sa isang bangka patungo sa langit.

Sa ikalawang awit, si Tuwaang ay dumalo sa isang kasalan, para lamang maging kabiyak ng babaeng ikakasal, matapos na mabigong magbigay ang lalaki mula sa Sakadna ng kabayaran para sa kasal. Natalo ni Tuwaang ang lalaki at pagkatapos ay dinala niya ang babae sa Kuaman kung saan siya ay naghari magpakailanman.


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IX. Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.