Tributo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Tributo ay isang sistemang pagbubuwis na siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo o salapi ng mga Espanyol sa panahon ng pananakop nila sa Filipinas. Ipinatupad ang sistemang ito batay sa Recopilacion de leyes de los Reynos de las Indias - na ang Hari ng Espanya ay naglabas ng malaking halaga para sa kanyang paglalayag sa Pilipinas at bilang ganti, marapat na bayaran ito ng mga Filipino sa pamamagitan ng tributo. Lahat ng mamamayan ay obligadong magbayad ng kaukulang halaga sa pamahalaan upang maituring na lehitimong sakop ng Hari ng Espanya, maliban na lamang sa mga gobernadorcillo, cabeza (at ang kanilang mga delegado), mga kalalakihang kabilang sa sandatahan, mga may sakit at baldado, mga walang sapat na ani sa taon at mga mamamayang edad animnapu pataas. May dalawang uri ng tributo - pagbabayad ngghhghhgnbn hnmnn nmjj mjkh nmhkh jm mhmn jmn































salapi, at pagbabayad ng pananim, kalakal o tanim.

Naging pamamaraan din ng pamahalaang Espanyol ang tributo upang bilangin ang populasyon ng bansa. Nang sapitin ng mga Espanyol ang Maynila, batay sa nalikom nilang tributo, tinatayang anim na libo ang populasyon ng lungsod - 40 dito ay Tsino, 20 ay Hapon at 2 Kristiyano. Ngunit kaduda-duda ang pagtatalang naisagawa sapagkat di lahat ay nakapagbayad ng tributo (gaya ng mga cabeza at mga nabanggit sa itaas) at yaong mga naninirahan lamang sa pueblo ang napasama sa bilang. Sakaling tumanggi ang isa na magbayad ng tributo, ituturing siyang bandido at kalaban ng kolonya.

Noong 1884, ang Cedula Personal ang humalili sa sistemang tributo.


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.