Tomas A. Remigio

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Tomas A. Remigio (Picture from ([1]).

Si Tomas A. Remigio (1867-1916), isang katipunero at bayani, ay gumagamit ng sagisag-panulat na Malingap at isa sa mga naging tagapayo ni Andres Bonifacio. Dahil sa sila ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan, umalis si Remigio sa Katipunan at nagtatag ng sarili niyang organisasyon, ang Binhi ng Payapa, na may layuning palayain ang mga mamamayan mula sa pagkaalipin.

Mga nilalaman

[baguhin] Buhay

Ipinanganak si Remigio noong 7 Marso 1867 sa Masambong, Sampalok, Maynila. Ang kanyang ama na si Jose A. Remigio ang naging unang guro niya at nagkaroon siya ng mga pribadong guro sa kanyang paglaki.

Nagsimula siyang magtrabaho sa Inspeccion General de Obras Publicas noong 1879 at sa Intendencia General de Hacienda kung saan naparangalan siya bilang natatanging empleyado ng Kapitan Heneral. Tumulong siya sa pagpapalaganap ng propaganda na isinulat nina Rizal, del Pilar at Lopez Jaena, kabilang dito ang Dasalan at Tuksuhan, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, La Solidaridad at iba pa.

Nahuli siya noong 21 Setyembre 1896 at hinatulan ng 20 taon na pagkakakulong sa Carcel Nacional de Barcelona at kinalaunan ay sa Penitenciaria de Cartagena sa Espanya. Pinalaya siya noong 7 Marso 1899.

Nagsilbi rin siyang kalihim ng pamahalaang sibil ng Maynila, Commisioner of Deeds and Collector of Cedula de Guerra at naging Kapitan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Binawian siya ng buhay noong 1 Agosto 1916.

[baguhin] Mga Sinulat

  • Ang Hweteng
  • Isang Librang Karne
  • Malaya
  • Wika
  • Luha ng Ina
  • Panaho'y sa Lahat
  • Mga Santong Tao
  • Ang Isang Haka ni Rizal


[baguhin] Sanggunian

  • Filipinos in History. Vol II. Philippine Theater. Manila: National Historical Institute, 1990.
  • National Historical Institute. (Hinango noong 21 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.