Timawa

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Nalathala noong 1953, ang nobelang Timawa na maituturing nang klasiko sa panahong ito ay sinulat ng batikang editor na si Agustin C. Fabian. Umiinog ang istorya sa pakikipagsapalaran ni Andres Talon, na nagtungo sa Estados Unidos bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang humanap ng magandang kinabukasan. Nag-aral ng medisina si Andres, at upang makatapos ng pag-aaral ay pumasok ng kung ano-anong trabaho mulang tagahugas ng pinggan at tagapitas ng mansanas hanggang tagapagsilbi sa restoran. Dinanas ni Andres ang pang-aaglahi, subalit nanaig pa rin siya, gaya sa boksing ay binugbog ang tarantadong Amerikanong puti.

Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig pagkaraan, at sumapi sa hukbong Amerikano si Andres bilang ganap na doktor ng militar na may ranggong major. Napabalitang namatay siya sa bakbakan, ngunit hinayaan lamang ni Andres na lumaganap ang gayong alingasngas. Nagbalik siya sa kaniyang nayon, at ipinagmalaki ng mga pamilyang dating lumalait sa kaniyang pamilya. Ipinagpatuloy niya ang panggagamot sa mga dukha at kulang-palad, at sa labis na pagod ay nawalan ng malay, bukod sa nagkaroon pa siya ng amnesia. Ngunit gagaling si Andres mula sa karamdaman. Magiging makatotohanan ang kaniyang lunggati (bisyon), at naitayo ang isang ospital na pinangangasiwaan ni Alice, ang dalagang doktor na nagmahal kay Andres nang wagas.


Mga nilalaman

[baguhin] Timawa (Kalagayan ng Lipunan)

Ang mga malayang tao sa lipunan noon ay tinatawag na timawa.Sila ay ipinanganak na malaya- hanggang sa kanilang mga kaanak.Ang iba naman ay mga aliping nakamit na ang kanilang kalayaan, sa pamamagitan ng pagbili nito, o kaya kusang binigyan ng laya ng kanilang panginoon.Sila ay malaya sa anumang nais nilang gawin.Makapipili sila ng nais nilang hanapbuhay.Maaari silang magmay-ari ng lupa,bahay at iba pang ari-arian.Inaasahan sila sa kanilang pagiging tapat sa kanilang datu.

[baguhin] Sanggunian

  • Timawa ni Agustin C. Fabian, 1953, at muling inilimbag ng Ateneo de Manila University Press.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.