Tikbalang

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang tikbalang ay isang masamang nilalang o halimaw na kilalang-kilala ng mga Pilipino. Inilalarawan ang tikbalang bilang isang matangkad na nilalang na may katawan ng tao ngunit ang ulo ay sa isang hayop na madalas ay sa kabayo. Ihinahalintulad ito sa centaur na kilala sa mga Griyego.

Mga nilalaman

[baguhin] Tirahan at ugali

Katulad ng kapre, ang mga tikbalang ay pinaniniwalaang nakatira sa malalaking puno tulad ng balete, at humihithit ng tabako na malapit sa puno o sa ibabawa nito. Mayroon ding mga tikbalang na naninirahan sa mga ilog at sa gitna ng gubat. Sinasabing nananakot ang mga tikbalang ng mga manlalakbay at inililigaw niya ang mga ito. Ngunit maaaring mag-anyong tao ang mga tikbalang kapag gusto nilang mabiktima ang isang tao. Ginagaya nila ang itsura, boses at galaw ng isang taong malapit sa gusto nilang biktimahin. Nililinlang ng tikbalang ang biktima sa pamamagitan ng pagsunod dito hanggang sa mawala ang biktima at kadalasan ay hindi na natatagpuan muli.

[baguhin] Paniniwala

Ang isang manlalakbay na hinihinalang siya ay napaglaruan ng tikbalang ay dapat baliktarin ang kanyang suot. Maaari ring gawing pangontra sa paglalaro ng tikbalang ang paghingi ng pahintulot sa pagdaan at pag-iwas sa paggawa ng ingay habang nasa kagubatan. Naging paniniwala na ng marami na kapag biglang umuulan habang sumisikat ang araw ay may ikinakasal na tikbalang. Isa rin sa mga paniniwala tungkol sa tikbalang ang panliligo nito tuwing bilog ang buwan. Mayroon ding mga kwento na nagsasabing maaaring magkagusto ang mga tikbalang sa isang mortal na tao.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.