Teodora Alonzo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
TheodoraAlonzo.jpg

(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Teodora Alonzo)

Si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos (9 Nobyembre 1827 – 16 Agosto 1911) ay ina at unang guro ng pambansang bayani na si Jose Rizal.

Mga nilalaman

Pinagmulan at Edukasyon

Si Teodora ay ikalawa sa mga anak nina Lorenzo Alonzo at Brijida de Quintos. Ang kaniyang ama ay naging kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko sa Isabela, at agrimensor. Ang kaniyang ina naman ay galing din sa prominenteng pamilya. Siya ay nakapag-aral sa Kolehiyo de Santa Rosa.

Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda, alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849.

Maybahay

Sa murang edad na dalawampu, si Teodora ay ikinasal kay Francisco Mercado na mula sa Biñan, Laguna. Sila ay nanirahan sa Calamba, Laguna., at biniyayaan ng labing isang anak. Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad. Si Teodora ang kauna-unahang guro ng kanilang mga anak, bago ito ipinadala sa Maynila upang mag-aral, si Jose ay nagtungo sa Europa upang magpakadalubhasa. Siya rin ang naging inspiration at dahilan kung bakit kumuha ng medisina si Jose, upang magamot at maibalik ang kaniyang paningin.

Bayani

Maging si Teodora ay hindi nakaligtas sa pagmamalupit ng Kastila. Maka-ilang beses siyang nakulong sa mga kakatwa at hindi mahalagang kaso. Una siyang nakulong sa bintang na nilason niya ang kapatid ng kaniyang asawa. Ipinagtanggol siya ng dalawa sa maga-galing na abogado na nagmula pa sa Maynila, at napawalang-sala makalipas ang dalawa at kalahating taong pagkakabilanggo. Nang ipag-utos ng mga Kastila na palitan ang apelyido ng bawat Filipino, isa ang kaniyang pamilya na tumutol at bilang parusa, siya ay pinaglakad siya nang mahigit 50 kilometro mula ng Calamba hanggang Sta. Cruz, Laguna. Napilitang lumipat ng Maynila ang kaniyang pamilya ng magkaroon ng hidwaan ang Dominiko at ang Filipino sa Laguna.

Noong 1891, nakasama niya si Jose nang madestiyero ito sa Dapitan at magtungo sa Hong Kong. Nang malaman niyang ang kaniyang anak ay papatawan na ng parusang kamatayan, siya ay nagtungo sa Maynila upang bisitahin ang asawa at makiusap sa gobernador, ngunit nabigo sa kaniyang layunin.

Sa dami ng hirap at sakit ng kaloobang dinanas, inalok ng lehislatura ng Filipinas si Teodora ng pensyon bilang pagkilala sa kaniyang mga naging ambag sa bayan. Magalang niyang tinanggihan ang alok at sinabing “Ang aking pamilya ay kailanman hindi nagmahal sa bayan dahil lamang sa salapi. Kung ang ating pamahalaan ay maraming pondo at hindi alam kung saan dapat gamitin, mas mainam sigurong bawasan na lang ang buwis.”

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.