Tayutay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Tayutay ay isang salita o grupo ng mga salita na ginagamit upang makapagpahayag ng emosyon o upang makalikha ng mas malalim na kahulugan. Ang mga salita sa tayutay ay hindi literal, bagkus ito ay patalinghaga at ginagamit bilang simbolo.

[baguhin] Ilang Uri ng Tayutay

  1. Alliteration -Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.
  2. Euphemism -Pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim o bulgar. Halimbawa: Imbes na, Ang lolo niya ay natigok, mas mainam na sabihin na, Ang lola niya ay sumakabilang buhay.
  3. Hyperbole o Eksaherasyon -Paggamit ng di pangkaraniwan na salita o palabis na paghahayag ng isang bagay.Halimbawa: Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.
  4. Irony o Kabalintunaan -Pag-gamit ng salita na ang ibig sabihin ay ang kabaligtaran nito.
  5. Metaphor o Pagwawangis -Pagkukumpara ng dalawang magkaibang bagay na may isang importanteng bagay na pinagkatulad
  6. Metonymy -Pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng isang salitang may kaugnayan sa nasabing bagay. Halimbawa: Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.
  7. Onomatopoeia -Pagbuo o paggamit ng mga salita na mula sa tunog ng mga bagay-bagay. Halimbawa: tik-tak ng orasan, twit-twit ng ibon, tahol ng aso
  8. Personipikasyon o Pagsasatao -Pagbibigay ng katangian o damdaming pantao sa mga bagay na walang buhay.
  9. Pun -Paglalaro sa mga salita o pag-gamit ng isang salita na iba't-iba ang kahulugan.
  10. Simili o Pagtutulad -Pagtutulad ng isang bagay sa isa pang bagay gamit ang salitang tulad ng, parang, kawangis ng, kasing atbp. Halimbawa: Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


[baguhin] Sanggunian