Tarlac

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rehiyon ng Gitnang Luzon
(Rehiyon III) | Tarlac | 1 | 17 | 510 | 3,053.4| 1,068,783| 350|
Tarlac
Lokasyon
Rehiyon III Gitnang Luzon.jpg
Pamahalaan
Rehiyon Rehiyon ng Gitnang Luzon
(Rehiyon III)
Lalawigan Tarlac
Lungsod 1
Munisipalidad 17
Kabisera
Barangay 510
Pisikal na Katangian
Saklaw 3,053.4 km²
Ika-48 pinakamalaki| (Ika-48 pinakamalaki)
Populasyon
Kabuuan (2000) (Ika-23 pinakamalaki)
Densidad 350/km²
Ika-14 pinakamalaki| (Ika-14 pinakamalaki)



( Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Tarlac )

Ang Tarlac ay nasa gitnang Luzon at may mahabang kasaysayan sa larangan ng politika at himagsikan. Naging sentro ito ng iba't ibang kultura dahil pangunahing tagpuan ito ng mga tao mula sa kung saan-saang lugar.

Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya

Lungsod Tarlac ang kabisera ng Tarlac. Nasa hanggahan nito ang Pampanga sa timog, ang Nueva Ecija sa silangan, ang Pangasinan sa hilaga at ang Zambales sa kanluran.

Ang Tarlac ay nahahati sa 17 munisipalidad na kinabibilangan ng Anao, Bamban, Camiling, Capas, Concepcion, Gerona, La Paz, Mayantoc, Moncada, Paniqui, Pura, Ramos, San Clemente, San Jose, San Manuel, Santa Ignacia at Victoria. Lunsod Tarlac, ang nag-iisang lungsod nito.

[baguhin] Demograpiya

Binubuo ng 1,068,783 katao ang populasyon ng Tarlac.

[baguhin] Pinagmulan

Pinaniniwalaang mula sa ugat na salitang “Malatarlac, (talahib) ang "Tarlac". Ito ay dating bahagi ng Pampanga at Pangasinan at ang huling lalawigan na iniorganisa ng Pamahalaang Kastila noong 1874.

Ang Tarlac ay isa sa walong lalawigang naunang naghimagsik sa rehimeng Espanyol noong 1896. Ito ang naging upuan ng Unang Republika ng Filipinas noong Marso 1899 nang iniwan ng Pangulong Emilio Aguinaldo ang dating kabisera. Hindi maglalaon at malilipat sa Nueva Ecija ang himpilan ng Republika ng Filipinas.

Isang pulong ang idinaos ni Gregorio Aglipay noong 23 Oktubre 1899 sa Paniqui, Tarlac upang ibalangkas ang pagbuo ng Philippine Independent Church. Nanawagan sila upang pahintulutan ang mga paring Filipino na maglingkod sa simbahan. Ito ay naging dahilan upang magkaroon ng pagkakahati-hati ang Simabahang Romano Catolico.

Sinakop ng Puwersang Amerikano ang Tarlac noong 1899. Sibil na pamahalaan ang itinatag sa lalawigan noong 1901.

Lumaganap ang kilusang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) sa Tarlac noong dekada singkuwenta. Nasupil ang kilusan noong una subalit naghimagsik noong 1965. Ang Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac ang naging dulong terminal ng pamosong “Bataan Death March” ng mga Filipino at Amerikanong sundalo na sumuko sa Bataan. Dahil sa sobrang dami ng mga preso, marami ang nagkasakit at namatay.

[baguhin] Kilalang mga Tao na Taga-Tarlac

  • Benigno Aquino, Jr. — pinaslang sa Manila International Airport noong 21 Agosto 1983 at naging daan upang magkaroon ng mga pagkilos laban sa rehimeng Marcos.
  • Corazon C. Aquino — Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1986, maybahay ni Benigno Aquino, Jr.
  • Carlos P. Romulo — Nagsilbi bilang pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, Philippine Ambassador to the United Nations, Pangulong Pangkalahatang Asamblea at pinuno ng Security of Council.
  • Onofre D. Corpuz — Nagsilbi bilang pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas at sekretarya ng edukasyon.

[baguhin] Industriya

Agrikultura ang pangunahing industriya ng Tarlac. Palay at tubo ang pangunahing pananim. Ang iba pang pananim ay kinabibilangan ng mais, niyog at gulay gaya ng talong at halamang ugat, gaya ng bawang at sibuyas.

Ang Tarlac ay may sariling kabyawan ng palay at tubo. May tatlo itong sentro ng Asukarera.

[baguhin] Sanggunian

  • Tarlac Tarlac (hinango noong 9 Nobyembre 2007).
  • Tarlac TARLAC: POPULATION REACHED A MILLION MARK, 13 Agosto 2002 (hinango noong 9 Nobyemre 2007).


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.