Tapuy

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Dahil na rin sa kultura at tradisyon ng Pilipinas, ang tapuy o rice wine ay mahalaga dahil sa ito ay ginagamit sa mga seremonya, kaya naman, madali at mabilis na makakakita ng tapuy sa mga tradisyonal na ritwal ng mga pangkat-etniko sa bansa.

Mga nilalaman

Kasaysayan

Isa sa mga pinakamagandang produkto na mula sa bigas ay ang alak, na nagsimula pa noong 3500 BC sa Tsina.Marami ng uri ng mga alak ang nagawa sa Tsina sa nasabing panahon. Ayon kay Patrick E. McGovern, ang mga alak ay itinatago sa mga tansong lalagyan.

Pinaniniwalaan na ang rice wine at ang paggawa nito ay dinala sa bansa ng mga mangangalakal na Tsino sa pamamagitan ng kalakalang galyon. Ang ilan sa kanila ay nakapangasawa ng mga Pilipina at nanatili rito sa Pilipinas. At dahil sa sadyang mahilig ang mga Tsino sa alak, tinuruan nila ang kanilang mga asawa kung paano ito gawin, at dito na nagsimula ang sariling alak ng Pilipinas na tinatawag na tapuy.

Mga Uri

May iba't ibang katawagan ang rice wine sa buong mundo. Ang bawat bansa, lalong-lao na ang mga bansa sa Asya, ay may kanya-kanyang bersyon nito: brem (indonesia); makkoli, gamju at cheongju (Korea); mijiu at choujiu (Tsina); lihing (Malaysia); raksi (Nepal); ruou de (Vietnam); sake (Japan); at sonti (India).

Maging sa Pilipinas, ang tapuy ay may iba't ibang katawagan at pagbabaybay sa bawat pangkat-etniko: sa mga Manobo, tapey; sa mga Igorot, tapoi o tapuy; at sa mga taga-Cordillera, bayah, tapuy o binubudan.

Paggawa ng Tapuy

Simple lamang ang proseso ng paggawa ng tapuy:

  • Lutuin ang malagkit na bigas.
  • Ilagay ang nalutong bigas sa isang patag na lalagyan tulad ng tray. Lagyan ng dahon ng saging at palamigin.
  • Ibubod nang pantay ang bubod sa bigas.
  • Baligtarin ang bigas upang masiguro na ang bawat parte ay may bubod.
  • Pagkatapos, balutin ito sa dahon ng saging at ilagay sa banga.
  • Takpan ng mahigpit ang banga at hayaan ito ng 7-10 araw (ngunit sa tradisyonal na paraan, ito ay umaabot 2-3 buwan).

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Panlabas na Kawing

Sanggunian