Tapayan sa Manunggul

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Bangang Manunggul (Picture from ([1]).

Ang Tapayan sa Manunggul ay isang banga na ginamit sa paglilibing ng mga sinaunang tao sa Palawan noong 890-710 BK. Ang banga ay ukol sa sekondaryang paglilibing kaya mga buto lamang ng yumao ang laman nito. Itinuturing itong Pambansang Kayamanan ng Pilipinas at makikita rin sa likod ng 1000 libo na salapi.

Nahukay sa yungib ng Manunggul, Lipuun Point, Palawan ang nasabing banga, at nitong Pebrero 2008 ay sinusubok muling halukayin ng mga dayong mananaliksik na Pranses sa mga baybayin ng Lipuun.

[baguhin] Disenyo

Bangang Manunggul sa Likod ng 1000 piso (Picture from ([2]).

Ang banga ay may disenyong rolyo sa itaas na bahagi nito at pinintahan ng hematite. Ang takip naman nito ay simboliko kung saan nakasakay sa bangkang walang katig ang dalawang tao. Nasa unahan ang tao na nakahalukipkip, samantalang nasa likuran ang tao na sumasagwan. May ukit na mga mata at bibig ang unahan ng bangka na waring nakangiti. Pinaniniwalaang inihahatid ng kung sinong kaluluwa ang kaluluwa ng yumao, at ang paglalakbay ay tungo sa kawalang hanggan, gaya ng walang katiyakang karagatan.


[baguhin] Sanggunian

  • 101 Filipino Icons. Quezon City: Adarna House Inc., 2007.
  • Paterno, Maria Elena. Treasures of the Philippine National Museum. Lungsod Makati: Bookmark, 1995.


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.