Tangway ng Zamboanga

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Region IX
Tangway ng Zamboanga
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Pagadian, Zamboanga del Sur
Populasyon

 – Densidad

2,831,412
191.2 bawat km²
Lawak 14,810.7 km²
Dibisyon

 – Lalawigan
 – Lungsod
 – Bayan
 – Barangay
 – Distritong pangkongreso


3
5
67
1,904
8
Wika Chavacano, Cebuano, Subanon, Tagalog Ingles at iba pa

Ang Tangway ng Zamboanga (Inggles: Zamboanga Peninsula Chavacano Peninsula de Zamboanga) ay isang tangway at rehiyong pampangasiwaan sa tangway na iyon sa Pilipinas.

Mga nilalaman

Ang rehiyon

Talaksan:Ph zamboanga peninsula.png
Mapang Politikal ng Tangway ng Zamboanga

Itinalaga bilang Rehiyon IX, binubuo ng tatlong lalawigan ang Tangway ng Zamboanga. Ang mga ito ay Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay. Ang rehiyon ng Tangway ng Zamboanga at dating tinatawag na Kanlurang Mindanao (Western Mindanao) bago isinabatas ang Executive Order No. 36 noong Setyembre 19, 2001.

Mayroong limang lungsod ang Tangway ng Zamboanga: Dipolog, Dapitan, ipil, Pagadian at Zamboanga. Sa katunayan, ang Isabela ay bahagi ng lalawigan ng Basilan sa timog ng tangway, at kabisera ng lalawigang iyon. Pinili ng mga mamamayan ng Basilan na sumama sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ayon sa isang plebisito. Ngunit hindi pinili ng mga mamamayan ng Isabela na sumama sa ARMM kaya ang lungsod ay naging bahagi ng rehiyon ng Tangway ng Zamboanga nang isinabatas ang Executive Order No. 36.

Ang tangway

Ang Tangway ng Zamboanga ay binubuo ng teritoryo ng tatlong lalawigan ng Zamboanga kasama ang Misamis Occidental. Nakadugtong ang tangway sa panguahing bahagi ng Mindano sa isang dalahikan na matatgpuan sa pagitan ng Look ng Panquil at Look ng Pagadian. Ang hangganan ng tangway at ng mainland ay artipisyal na minamarkahan ng hangganan sa pagitan ng Zamboanga del Sur at Lanao del Norte.

Matatagpuan ang Tangway ng Zamboanga sa pagitan ng Golpo ng Moro, bahagi ng Dagat Celebes, at ng Dagat Sulu. Maraming look at pulo ang matatagpuan sa babybayin ng tangway.

Demograpiya

Ang mga Zamboangueño ay mga inapo ng mga bilanggong cristiano na ikinonvert ng mga Kastila at para tumulong sa pakikirigma laban sa mga Muslim para idepensa ang garison ng mga Kastila na base sa "Fort Pilar", sa syudad mismo ng Zamboanga.

Ang mga kristyanong ito ay may halong dugo na galing sa tribo ng mga; Subanon (Lumad/katutubo ng Mindanao), Visayan o etniko ng mga Bisaya (Cebuano at Ilonggo), Ilokano, Intsik, Moro at dugong Kastila. sa kadahilanan ng pagkaroon ng "inter-marriage" sa tribong ito, ay nagbunga ang tinatawag na, "tribong Zamboangueño" kasabay narin ang kanilang wika.

Ang tribong Zamboangueno ay matatagpuan din sa mga lugar tulad ng at sa loob ng Tangway ng Zamboanga, Isabela(Basilan), Lamitan(Basilan), Cotabato, Davao at sa iba pang bahagi o parte ng Pilipinas.

Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Tangway ng Zamboanga. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.