Talumpati

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Mga nilalaman

[baguhin] Uri ng talumpati ayon sa balangkas

  • May pagahahanda
  • Walang paghahanda - ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

[baguhin] Mga bahagi ng talumpati

  1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang atensyon ng madla.
  2. Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
  3. Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.

[baguhin] Paraan ng pagtatalumpati

  1. Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malaks sa harap ng mga tagapakinig.
  2. Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
  3. Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang panimula at wakas lamang.

[baguhin] Hakbangin sa paggawa ng talumpati

  1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.
  2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
  3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas.
  4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

[baguhin] Uri ng talumpati

  1. Nagbibigay aliw
  2. Nagdaragdag kaalaman
  3. Nagbibigay sigla
  4. Nanghihikayat
  5. Nagbibigay galang
  6. Nagbibigay papuri
  7. Nagbibigay impormasyon

[baguhin] Katangian ng magaling na mananalumpati

  1. Kaalaman
  2. Kasanayan
  3. Tiwala sa sarili

[baguhin] Mga Halimbawa ng Talumpati

  1. Ano Ang Talumpati at mga Halimbawa nito? ni Jehzeel Laurente
  2. Mga Halimbawa ng Talumpati ni Juan Karlo Licudine

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Talumpati. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.