Tadyang

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang tadyang o ribs ay mahahabang buto na nakabaluktot at bumubuo ng ribcage. Nakatutulong itong maprotektahan ang baga, puso at iba pang bahagi ng thorax.

[baguhin] Anatomiya ng tao

Ang karaniwang tao ay may 24 na tadyang o labing-dalawang pares nito. Ang unang pitong pares ay tinatawag na true ribs at tuwirang nakakabit sa sternum sa tulong ng costal cartilage. Ang limang pares naman ay tinatawag na false ribs kung saan ang tatlong pares dito ay nakadikit sa isang cartilage ng sternum samantalang ang huling dalawang pares ay tinatawag na floating ribs o vertebral ribs. Nakakonekta sila sa gulugod o vertebrae at hindi sa sternum o sa cartilage ng sternum. May mga taong may isang pares lamang ng floating ribs samantalang may iba naman na may pangatlong pares nito. Maaaring ipatanggal ang tadyang dahil sa terapyutiko o kosmetikong dahilan.

Ang ribcage ay nakahiwalay mula sa ibabang bahagi ng abdomen sa pamamagitan ng thoracic diaphragm na siyang kumukontrol ng paghinga. Tuwing lumiliit ang diaphragm, ang ribcage at thoracic cavity ay lumalaki na siyang nakapagpapababa ng intra-thoracic pressure at kumukuha ng hangin patungong baga.

[baguhin] Sanggunian

  • Chest Bones | Learn Bones Anatomy. Learn Bones of the Human Body Skeleton. 01 May 2010. (Hinango noong 25 Mayo 2010)
  • Romer, Alfred Sherwood; Parsons, Thomas S. (1977). The Vertebrate Body. Philadelphia, PA: Holt-Saunders International. pp. 170–173. ISBN 0-03-910284-X (Hinango noong 25 Mayo 2010)
  • Clinically Oriented Anatomy, 4th ed. Keith L. Moore and Robert F. Dalley. pp. 62–64 (Hinango noong 25 Mayo 2010)

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.