Sukob

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sukob (Picture from ([1])

Ang Sukob (2006), na mas kilala rin bilang The Wedding Curse sa ibang bansa, ay isang katatakutang pelikula na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Claudine Barretto. Katulad ng naunang pelikula kasama si Kris, ito ay idinirek ni Chito Roño at sinulat niya kasama si Chris Martinez, sa ilalim ng Star Cinema.

Mga nilalaman

[baguhin] Lagom

Si Sandy at si Dale ay kauuwi lamang sa Pilipinas para magpakasal, na labis namang ikinatutuwa ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Ngunit nalaman ni Sandy na ang kapitbahay nila at kaibigan niyang si Helen, pati na rin ang asawa at ina nito ay namatay lahat. Sinasabi ng marami na nangyari ang mga iyon dahil na rin sa pagsuway ni Helen sa pamahiin o kasabihan nang magpakasal siya sa parehong taon nang ang kanyang ama'y namatay. Nakapagpalungkot ito kay Sandy pero ilang araw lang ay natuloy ang kanyang kasal. Kaya lang, agad ding nagkaroon ng mga hindi maipaliwanag na mga bagay na nangyayari. Kasama na rito ang pagkawala ng ilan niyang mga abay nang pauwi na ang mga ito. Noong una, ang itinurong dahilan ni Joya (pinsan ni Dale na nakakakita ng mga makababalaghang bagay) ay si Helen pero nang di magtagal, napag-alaman niyang sinumpa ang kasal ni Sandy. Sa pangitain ni Joya ay mayroon siyang nakikitang isa pang babaeng sinumpa rin ang kasal. Ito ay ikinonekta niya sa isa pang kasabihan tungkol sa sukob, ang paniniwalang hindi rin maaaring magpakasal ang magkapatid sa parehong taon. Ngunit ayaw maniwala ni Sandy dahil ang alam niya ay nag-iisa lamang siyang anak. Hanggang sa ipinagtapat sa kanya ng kanyang ina na may anak sa labas ang kanyang ama. Doon lamang naging malinaw ang lahat. Nang tingnan nila ang mga larawan sa kanilang kasal, nakita nilang ang lahat halos ay putol ang ulo. Hanggang sa maunawaan nila na ang ibig sabihin ng bawat napuputol na ulo ay ang pagkamatay ng tao.

Sa isang malayong probinsya, si Diana naman ay kakatapos lang ding ikasal kay Brian. Nang mismong seremonya ng kasal, namatay ang nagpapatunog ng kampana sa simbahan pero nawala ang katawan nito. At kinabukasan pa lamang, namatay agad si Brian ngunit nawala ang kanyang katawan. Nang mga sumunod na araw naman, mayroon pang ibang mga namatay. At katulad rin ni Sandy, tiningnan niya ang mga larawan sa kanilang kasal at ipinaliwanag sa kanya ng arbularyo na ang ibig sabihin nga nito'y kamatayan.

Sa kabilang dako, ipinagtapat kay Sandy ng kanyang ina na may anak sa labas ang kanyang ama. Doon lamang naging malinaw ang lahat, magkapatid sila ni Diana. Ngunit dahil hindi pa sila magkakilala pero kailangan nilang maligtas ang kanilang mga sarili at natitirang mahal sa buhay, hinanap nila ang isa't isa.

Hanggang sa namatay na halos lahat ng kanilang mga mahal sa buhay kaya pareho na lamang silang walang kasama sa paghahanap. Pero nagkita rin sila sa probinsya. Sa bandang huli, kinailangang magsakripisyo ni Sandy para mailigtas ang ipinagbubuntis ni Diana.


[baguhin] Mga Tauhan

[baguhin] Mga Parangal

Dahil sa pelikulang ito, nagwagi si Maja Salvador sa 2007 Golden Screen Awards ng Best Breakthrough Performance by an Actress. Bukod dito, nagkamit din ang pelikula ng dalawang karangalan mula sa 2007 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS). Kabilang na rito ang Best Art Direction at Best Sound.

[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.