Sugat ng Alaala

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sugat ng Alaala (1950) ang nobela ni Lazaro Francisco at pumapaksa sa karima-rimarim na panahon ng pananakop ng Hapones sa Filipinas. Umiinog ito sa buhay ni Felipe, na inilarawang tapat at mapagmahal sa kaniyang nililigawan. Gayunman, mahiyain si Felipe at hindi masabi ang tunay na niloloob kay Nita. Magsisimula ang gusot sa nobela nang pumutok ang digmaan, at nagkahiwalay ang magkapatid na sina Felipe at Sitong. Namundok si Sitong, kaya sinundan siya ni Felipe upang hanapin. Mararanasan ni Felipe habang siya'y naghahanap ang karumal-dumal na sinapit ng kaniyang mga kababayan sa kamay ng Hapones. Nag-udyok iyon sa kaniya upang maging gerilya, at makipagbakbakan sa mga kalabang banyaga. Pagkaraan ng ilang taon, magkikita muli sina Felipe at Nitang, at handa na si Felipe na sabihin ang matagal na niyang kinikimkim na pagmamahal.

[baguhin] Sanggunian

  • Francisco, Lazaro. Sugat ng Alaala, na nalathala noong 1950 at inilimbag muli ng Ateneo de Manila Press.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.