Spratly Islands

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Spratly Islands

thumb|right|250 px|Spratly Islands

Ang mga 'isla ng Spratly, o tinatawag ding Kalayaan Group of Islands, ay matatagpuan sa bandang South China Sea o kilala na ngayon sa tawag na West Philippine Sea. Ang kontrobersiyal <ref name=kontro>philippineisland.com. Spratly Islands, Philippines binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref> na mga islang ito ay binubuo ng mga tangrib, mga maliliit na pulo, at mga pulo na nagtataglay ng likas-yamanyaman na pinagaagawan ng pamahalaan at ekonomiya ng mga bansang umaangkin nito.

Ang West Philippine Sea, kung saan matatagpuan ang mga isla ng Spratly, ang pangalawa sa pinakaabalang karagatan sa buong mundo kung saan madalas dumadaan ang mga malalaking bapor na nagsasakay ng mga langis pang-kalakal. Bukod pa rito, ang bahagi ng karagatang iyon ay mayaman sa gaas at langis kung kaya't isang malaking potensiyal<ref name=potent>ICE Cases:Spratly Islands Dispute binisita noong: 29 Hunyo 2011</ref> para sa isang bansa ang lokasyon ng mga isla ng Spratly. Inaangkin ito ng mga bansang Brunei, Malaysia, Vietnam, Taiwan, Tsina, at Pilipinas. <ref name=claimant>Dzurek, Daniel J. The Spratly Island's Dispute: Who's On First? binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref> Walang naitalang naninirahan sa mga isla ng Spratly ngunit may makikitang mga kwartel ng militar mula sa iba't ibang bansang umaangkin nito.

Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya

Ang Spratly Islands ay binubuo ng humigit kumulang sa 750 mga tangrib, pulo, karang, at mga isleta. Ito ay matatagpuan sa West Philippine Sea, sa kanluran ng Pilipinas, timog ng Tsina, silangan ng Vietnam, at hilaga ng Brunei at Sabah, Malaysia. Ang mga tangrib ng koral ang nangingibabaw na istruktura sa mga isla. Tinatayang humigit kumulang sa 600 na tangrib ng koral ang bumubuo sa Spratly. <ref name=heogra>Worldwide Life. South China Sea Islands binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref> Ang iba ay binubuo na ng mga maliliit na pulo at karang na may kaunting pananim na nakadepende sa sistema ng ihip ng hangin.

Bukod pa rito, ang uri ng lupain na meron sa mga isla ay buhangin na kaya lamang buhayin ay mga damo at halamang palumpong. Naitala na ang mga islang ito ay tinatamnan ng mga pinya noong 1939. May mga ibang datos na nagsasabing nababalutan umano ang mga islang ito ng papaya, saging, niyog, at mangrove maraming taon na ang nakalilipas. <ref name=heogra>Worldwide Life. South China Sea Islands binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref> Dapatwat, ang mga islang ito nagsisilbing tahanan ng maraming ibon at pawikan. Ito ay mayaman rin sa mga isda, guano, langis, at natural na gas.<ref name=yaman>The World Factbook. Spratly Islands binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref>

[baguhin] Kasaysayan ng pag-aangkin

Ang lahat ng isla ng Spratly ay inaangkin ng Tsina, Taiwan, at Vietnam. Ang ibang isla naman ay inaangkin ng Pilipinas, Brunei, at Malaysia. Nagsimula ang pagtatalo ukol sa tunay na nagmamay-ari nang madiskubre ang likas-yamang makukuha sa mga isla. Kahit na ang Spratly ay hindi maaring sakahin, at hindi nakakabuhay ng anumang produkto at mga hayop, pinagtibay ng mga umaangking bansa ang kagandahan ng lokasyon nito para sa pamamaraang militar. <ref name=pagaankin>Spratly Islands Disputebinisita noong: 29 Hunyo 2011.</ref>

Bukod pa rito, mayaman sa reserba ng langis ang Spratly. Tinatayang 25 bilyon toneladang reserba ng langis ang taglay ng Spratly katumbas ng pinagsamang reserba ng langis sa Kuwait at Nigeria. <ref name=langis1>The Last Columnist. Spratly Islands and the World War III binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref> Sa kasalukuyan, wala pang nagagawang teknolohiyang may kapangyarihang hatakin ang mga reserbang natutulog sa oceanic crust.

Nais ng Tsina na makipatulungan sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa pagkilatis sa mga yamang maaring makuha mula sa Spratly. Tulad ng Pilipinas, sinabi ng Tsina na nais nila nang isang mapayapang pagkikipag-ayos hinggil sa debate upang mapanatili ang kapayapaan at istabilidad ng rehiyon. Upang maisakatuparan ito, pumirma sa isang kasunduan na pinamagatang Declaration of the Code of Conduct ang Tsina at ang mga bansang kasapi ng ASEAN noong Nobyembre 2002. Ang kasunduang ito ay upang mapagtibay rin ang relasyon ng Tsina sa mga kasaping bansa ng ASEAN.<ref name=tsina>Bauzon, Bernice Camille V.China wants to explore Spratly Islands with ASEANbinisita noong: 29 Hunyo, 2011.</ref>

Noong Marso 2005, ang mga kompanya ng langis sa Tsina, Pilipinas, at Vietnam ay pumirma ng kasunduan ng pagkakaunawaan na manguna sa mga marine seismic activity sa mga isla ng Spratly. <ref name=yaman2>The World Factbook. Spratly Islands binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref>

[baguhin] Mga umaangking bansa

Ang mga sumusunod ay ang mga bansang tuwirang inaangkin ang mga isla ng Spratly.

  • Vietnam. Ang Vietnam ay isa sa mga bansang mahilig maglayag. <ref name=vietnam>Kasaysayan ng Spratly Islands binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref> Dahil dito, narating nila ang maraming lupain at isa na dito ay ang Spratly Islands. Iginigiit ng Vietnam na nagkaroon sila ng epektibong okupasyon sa mga islang iyon simula pa noong ika-17 siglo. Gayunpaman, ang mga ebidensya ng Vietnam noong ika-18 at ika-19 siglo ay hindi tugma sa iginigiit nilang pag-aari sa Spratly Islands. Ito ay tumutukoy lamang sa Paracel Island na may 400 kilometro pagitan sa Spratly Island.<ref name=paracel>Schofield, Clive H. and Daniel J. Dzurek. The Spratly Island's dispute: Who's on first?binisita noong: 29 Hunyo 2011</ref>Isa pang punto mula sa Vietnam na nagpapatunay sa kanilang pag-aangkin sa Spratly ay ang 1982 Law of Sea Convention. Sa Article 76 ng kasunduang ito binibigyang kahulugan ang continental shelf kung saan maaring kamkamin ng ninumang nasyon ang isang eksklusibong teritoryo hanggang sa 200 nautical miles mula sa baseline ng kanilang dalampasigan.<ref name=vietnam2>Ang Vietnam at ang Spratly Islands binisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref>
  • China at Taiwan. Tulad ng dahilang itinaas ng Vietnam, inaangkin din ng Tsina at Taiwan ang lahat ng pulo sa Spratly Islands. Inaangkin nila ang pagkakadiskubre ng Spratly sa Han dynasty noong pangalawang siglo B.C. Pinatunayan ito ng awtoridad ng Tsina gamit ang mga sinaunang teksto at mapa na may kinalaman sa pangingisda ng mga Tsino sa West Philippine Sea. Mayroong ilang mga dokumento na nagsasabing ang mga Tsino ang kauna-unahang nakarating sa mga islang ito. Malinaw itong isinasaad sa isang libro ni Ch'en Lun-chiung na natagpuan noong 1730. Subalit, ito ay hindi naman isang mapanghimok na pruweba para sa mga modernong manunulat upang ibigay sa Tsina ang kapangyarihang angkinin ang Spratly. Ang mga puntod o pinaglibingan ng mga Tsino sa pulo ay isang puweba ng kanilang pagdating sa lugar ngunit hindi nito pinatutunayan ang kanilang patuloy na presenya at administrasyon sa lugar.<ref name=paracel>Schofield, Clive H. and Daniel J. Dzurek. The Spratly Island's dispute: Who's on first?binisita noong: 29 Hunyo 2011</ref> Bilang isa sa rehiyon ng Tsina, inaangkin din ng Taiwan ang buong kapuluan ng rehiyon ng Spratly sapagkat ito ay mahalaga sa kanila sa dalawang kadahilanan: (1) karamihan sa mga malalaking barkong nagdadala ng mga langis ay dumadaan sa West Philippine Sea kung saan nakapwesto ang Spratly Islands; at (2) ang kabuuan ng West Philippine Sea ay mayaman sa isda. Sa ganoon, napilitan ang Taiwan na ipaglaban ang kanyang interes para sa ekonomiya ng bansa. <ref name=taiwan>Actors: Spratly Islands Disputebinisita noong: 29 Hunyo 2011.</ref>
  • Pilipinas. Inaangkin ng Pilipinas ang tinatayang 60 sa mga pulo ng Spratly. Ang Royal Duth/Shell Group at Alcorn International ay nagsanib pwersa para sa isang ekplorasyon malapit sa pulo ng Palawan at inaasahang iaangat ang taunang produksiyon ng langis sa Pilipinas mula sa 3,000 b/d noong 1991.
  • Brunei. Inangkin ng Bruniei ang Louisa Reef ng Spratly Island na makikita katabi ng babayin nito.
  • Malaysia. Ang Malaysia ang kauna-unahang oil operator sa dagat at inaangkin ang tatlong pulo at apat na grupo ng bato sa rehiyon ng Spratly. Simula noong 1992, 90 balong nagtataglay ng langis ang pinapaandar ng Malaysia sa mga islang ito. <ref name=taiwan>Actors: Spratly Islands Disputebinisita noong: 29 Hunyo 2011.</ref>

[baguhin] Telekomunikasyon

Noong 2005, nagtayo ng cell site tower ang Smart Telecommunications ng Pilipinas sa isa sa mga pulo ng Kalayaan upang mabigyan ng malinaw na daloy ng komunikasyon ang mga militar na nakadestino roon.<ref name=kalayan>Tesorio, Jofelle P.Smart cell site in Kalayaan inauguratedbinisita noong: 30 Hunyo 2011</ref>

Noong 2011, pinalaki ng China Mobile ang sakop ng kanilang network. Nagtayo rin sila ng cell site tower na ayon kay Chen Zegang, ang tagapangasiwa ng proyekto, ay upang mabigyan ng komunikasyon ang mga mangisngisdang Tsino at mga militar na nagkalat sa lugar.<ref name=smart>China Mobile expands coverage to the Spratly Islandsbinisita noong: 30 Hunyo 2011.</ref>

[baguhin] Mga banta

Ang mga grupo ng militar na namamalagi sa Spratlys ay sangkot sa mga aktibidades na nakakapanira sa kalikasan ng mga isla. Halimbawa ng mga ito ay ang pamamaril sa mga pagong, pawikan, at mga ibon; ang pangingisda gamit ang dinamita; at ang pananalasa ng mga pugad ng ibon. Isang banta rin ang polusyon sa mga tangrib ng koral sa isla.<ref name=bnata>World Wildlife Organization. South China Sea Islandsbinisita noong: 29 Hunyo 2011. </ref>

[baguhin] Sanggunian

<references />

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.