Sore throat (Pananakit ng lalamunan)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Maraming sanhi na pinagmumulan ang sore throat (pharyngitis), ngunit malinaw ang indikasyon ng pamamaga ng pharynx na nagsisimula sa likod ng bibig papunta sa esophagus. Ang karaniwang uri ng sore throat ay ang mga sumusunod:

  • Viral infection, gaya ng sipon at paglalagnat. Ang malalang pananakit ng lalamunan ay maaaring may kasamang lagnat, pangingirot ng kasukasuan, at mala-tubig na sipon. May mga pagkakataon na ang pananakit ng lalamunan ay maaaring magresulta sa mononucleosis o viral pneumonia.
  • Bacterial infection, na sanhi ng streptococcal bacteria. Ang ganitong uri ng pananakit ng lalamunan ay dumarating nang pabigla-bigla, malala ang sakit, at may kasamang paglalagnat. Ang impeksiyon na ito ay nararanasan sa pagitan ng edad 5–25, at kapag hindi nagamot nang ganap ng antibiyotiko ay maaaring kumalat sa iba pang organ at maging sanhi ng sakit sa puso at bato.
  • Tonsillitis, na karaniwan nang sanhi ng impeksiyon at may pamamaga ng tonsils. Ang quincy ay isang malalang impeksiyon ng mga tonsil o piraso ng tonsillar tissue na naiiwan matapos ang tonsillectomy.

Mga nilalaman

[baguhin] Alternatibong gamot

  • Aromatherapy. Inirerekomenda ng mga therapist ang langis ng eucalyptus, geranium, lavender, at sage upang maibsan ang pagkirot. Ang langis ay maaaring imasahe sa balat, mula sa ilalim ng baba hanggang sa may bandang lalamunan, o maaari ding singhutin matapos itong ilagay sa steam humidifier.
  • Halamang-ugat. Ang pagmumumog ng maligamgam na tsaang mula sa chamomile ay maaaring makatulong. Inirerekomenda rin ang pagmumumog ng maligamgam na tuwig-dagat upang mapaginhawa ang namamagang lalamunan.
  • Naturopathy. Ang mga tagapagsanay ay ipinapayo ang pag-inom ng kapsulang bawang nang tatlong beses isang araw dahil may taglay iyong elemento ng antibiyotiko. Maaari din ang pagbababad ng zinc lozenge tuwing ikalawang oras sa loob ng bibig. Makatutulong din ang mataas na dosis ng Bitamina C ngunit wala nang mas makagagaling pa sa antibiyotiko upang mahadlangan ang strep throat.

Ang katawan ay maaaring makaiwas sa sore throats nang walang masusing gamutan,ngunit ipinapayo ang mga sumusunod upang maibsan ang sakit na nararamdaman:

  • Magdagdag ng kalahating kutsarita ng asin sa kalahating tasa ng mainit na tubig at imumog ito makalipas ang bawat oras. Maaari ding subuking magmumog ng 3 porsiyento ng hydrogen peroxide (isang bahagi sa apat na bahagi ng tubig);
  • Uminom ng maraming likido, at humigop ng mainit na sopas, tsaang mula sa halamang-ugat, at fruit juices. Ang sinasabing subok na sa panahon ang pagsipsip ng pinaghalong ng isang kutsarang pulut at sukang mula sa sedro o uminom ng lemon juice na mainit-init.
  • Magbabad ng pulut, eucalyptus,o iba pang lozenges sa bibig. May pang-isprey sa lalamunan na may phenol na maaaring makatulong kahit panandalian lamang subalit ihingi pa rin ito ng permiso sa inyong doktor lalo kung bata ang gagamit.
  • Gumamit ng humidifier upang mapanatili ang air moist.
  • Uminom ng aspirin, acetaminopehn, ibuprofen upang mapababa ang lagnat at maibsan ang pagkirot. *Iwasang magbigay ng aspirin sa pasyenteng ang edad ay mababa 18 at may viral infection.

[baguhin] Iba pang sanhi ng pananakit ng lalamunan

  • Malabis na pagkanta, pagsigaw o pagsasalita;
  • Allergies;
  • Mga bagay na mula sa kaligiran at nakaiirita;
  • Malabis nna paninigarilyo;
  • Polyps
  • Kanser sa bibig at lalamunan.

Ilan lamang ang mga ito sa sinasabing di-nakahahawang sanhi ng pananakit ng lalamunan. Ang mga nakahahawang sanhi ay kinabibilangan ng bulutong-tubig, beke, dipterya, at herpes. Ang bacterial sore throat ay maaaring sanhi ng sexually transmitted diseases na gaya ng chlamydia at gonorrhea kapag nakuha ito sa pamamagitan ng oral-genital sex.

[baguhin] Sanggunian

Morgan, Barbara J., editor. Reader's Digest Guide To Medical Cures and Treatments, ikalimang limbag. USA: Reader's Digest, 1998.


Paunawa sa Babasa
Bagaman malayang sundin ng mambabasa ang nilalaman nito alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon, ipinapayo ng WikiFilipino na kumonsulta pa rin sa doktor o espesyalista. Hindi mananagot ang WikiFilipino sa anumang mangyayari sa mambabasa kapag sinunod ang mga payong pangkalusugan ng akdang ito.


Walang sapat na sanggunian ang akdang ito.
Tumulong na paunlarin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tumpak na pagsipi at sanggunian.
Maaaring subukin o tanggalin ang bagay na hindi matitiyak kung totoo.
Tinatakan ang akdang ito noong Marso 10, 2008.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.