Sorbetes

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|230px|Iba't ibang timpla ng sorbetes. Ang Sorbetes ( o dirty ice cream) ay ang lokal na bersyon ng ayskrim na kadalasang itinitinda sa isang de-tulak na karitela. Noong 1920s unang natikman ng mga Pilipino ang matamis at malamig na pagkaing ito. Kadalasan, ang nagtitinda ng sorbetes ang siyang nagtitimpla nito. Nag-aalaga pa sila ng kanilang mga baka upang masiguradong ang gatas na gagamitin ay sariwa at malinis. Pinakakinagigiliwang timpla nito ay keso, ube, mangga at tsokolate, at iba pang bungang likas sa Pilipinas (gaya ng avocado at buko). Dalawang uri ng apa ang pinaglalagyan ng sorbetes – mayroong kulay kahel na bahagyang malambot; at isang kulay krema na matamis at higit na malutong. Maliban dito, maaari ring sa plastik na puswelo ilagay ang sorbetes at kinakain ito gamit ang munting kutsarang yari sa kahoy.

Hindi lamang isang uri ng pampalamig ang sorbetes. Kadalasang inihahain din ito bilang panghimagas. Kung minsan naman ay isa itong uri ng merienda para sa mga Pilipino - sa halip na keso o margarina, sorbetes ang siyang ipinapalaman sa tinapay.

Ang sorbetes ay hindi naman sadyang marumi. Tinagurian lamang itong dirty sapagkat ito'y lutong-bahay at karaniwang itinitinda sa kalsada.

Mga nilalaman

Paggawa

Mayroong limang hakbang na sinusunod sa paggawa ng sorbetes. Una ang paghahanda ng mga materyales at sangkap na gagamitin. Kailangang siguraduhing wasto ang sukat ng mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng sorbetes. Ikalawa ang pagluluto sa mga sangkap, kasunod nito ang bahagyang pagpapalamig sa nalutong mga sangkap. Ikaapat at ikalima ang pagpapatigas ng sorbetes.

Mga kagamitan

  • Mga mangkok o lalagyan
  • Panggadgad
  • Pambati
  • Mga gamit para sa pagsukat ng mga sangkap
  • thermometer
  • timbangan
  • Isang kahoy na timba
  • Kahoy na panghalo

Mga sangkap

  • isang kilong puting asukal
  • kalahating kilong skimmed milk
  • kalahating kilong powder milk
  • 600 gramo ng cassava flour
  • dalawang dahon ng pandan
  • 7 kilo ng asin
  • 4 na pula ng itlog
  • 2 lata ng condensed milk o gatas na malapot
  • 1 lata ng krema
  • kalahating piraso ng keso
  • 1 kilo ng kinayod na niyog
  • 2 kutsarang pampakulay
  • 3 kutsarang vanilla
  • 7 kutsaritang alak (rhum o brandy)Padron:Fact
  • 1/4 bloke ng yelo

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.