Sinaunang Panahon ng Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Bago pa pangalanang Filipinas ang bansa, marami nang naganap sa iba't ibang panig ng kapuluan na pawang kakikitaan ng pag-iral ng mga sinaunang tao. Ayon sa antropologong si Jesus T. Peralta, tinatayang may 6,000–8,000 BK taon na ang nakalilipas nang umiral ang mga sinaunang tao sa kapuluan. At mapatutunayan ito sa pamamagitan ng mga antigong kagamitan at palayok na nahukay sa lupa o nasisid sa dagat.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga pananaw

Dalawang pangunahing pananaw o teorya ang makapagpapaliwanag hinggil sa paglitaw ng mga sinaunang tao sa kapuluan. Una, ang daloy ng wikang Austronesyano ay maaaring nagmula sa Formosa at Timog Tsina noong 5000 BK, tumawid sa hilaga ng Filipinas, at bumaba pa-silangan tungong kalapit na mga bansa. Ikalawa, nagsimula ang paglaganap ng wikang Austronesyano mulang timog ng Filipinas at hilagang Indonesia, saka lumaganap pa-silangan tungong ibang pook sa Pasipiko.

[baguhin] Panahon ng palayok

Matatagpuan din sa kapuwa dulong hilaga at dulong timog ng Filipinas ang pinakamatandang uri ng piraso ng palayok, ayon kay Alexander Spoehr. Sa Isla Sanga-sanga ay may natuklasang mga piraso ng palayok at takupis na tinatayang nasa panahong 5955–5520 BK. Samantala, natagpuan sa Yungib Laurente ang mga bahagi ng sinaunang anyo ng sasakyang pandagat at ilang palayok at kagamitang nasa panahong 5880 BK. Matatagpuan ang nasabing yungib sa munisipalidad ng Penablanca, Lambak Cagayan. Higit pa rito ang tanda ng natuklasang ang mga antigong palayok at lumaganap noong 4,000 at 5,000 BK. Tinirahan na umano ang nasabing yungib noong 1600 BK. Samantala, ang pinakamatandang panahong lumitaw ang palayok sa Filipinas ay tinatayang nasa 4475–4425 BK, ayon kay Robert Fox.

[baguhin] Sanggunian

  1. Fox, Robert B. The Tabon Caves: Archeological Explorations and Excavations of Palawan Island, Philippines sa Monograph Bilang 1, Pambansang Museo Maynila.
  2. Peralta, Jesus T. “Kudon: The Ancient Pottery Art of the Philippines” sa Bulawan 18. Maynila: National Commission for Culture and the Arts, mp. 8–51.


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.