Simoun

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Simoun ay ang pangunahing tauhan sa nobelang El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal. Siya ay si Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere at nagbalik pagkatapos ng labintatlong taon bilang isang mayamang mang-aalahas. Siya ay namumukod-tangi dahil sa kaniyang suot na salaming kulay na asul. Inilarawan si Simoun bilang matangkad, matipuno, may kapayatan, may kaitiman ang balat, at laging nakasuot ng damit-ingles. Kilala siya bilang “Kardenal Moreno” sapagkat siya ang sanggunian ng heneral. <ref name="elfili2">Rizal, Jose. Kabanata 1. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).</ref>

Mga nilalaman

[baguhin] Ang pagkakatuklas

Isang gabi ng disperas ng Pasko, dumalaw si Basilio sa gubat na pagmamay-ari noon ng mga Ibarra kung saan nakahimlay ang kaniyang yumaong inang si Sisa. Ginagawa niya ito taun-taon ngunit sa taong ito sa panahon ng nobelang El Filibusterismo ay nakita niya ang isang taong tumulong sa kaniyang sunugin ang bangkay ng kanyang ina at isa pang taong nagngangalang Elias. Ang taong ito ay walang iba kundi si Simoun. <ref name="elfili3">Rizal, Jose. Kabanata 7. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).</ref>

[baguhin] Ang layunin

Sa pagkakataong ito isinalaysay ni Simoun kay Basilio ang dahilan ng kaniyang pagbabalat-kayo at ang mga naging karanasan at layunin. Naglakbay si Simoun sa iba't ibang lugar kung saan namalas niya ang kasakiman sa iba't ibang anyo. Sa nasaksihan niyang ito, naisip niya ang kaniyang sariling bansa sa kamay ng mga Kastila. Upang gisingin ang damdamin ng mga naapi na maghimagsik, sinang-ayunan niya ang pang-aapi at inudyukan ang kasakiman.

Nagbalat-kayo siyang kakampi ng pamahalaan ngunit ang totoo ay isa siyang rebeldeng balak sirain ang pamahalaan ayon sa sarili nitong kasakiman at kasamaan. Bukod pa rito, naniniwala siyang upang magapi ang mga mananakop ay kailangan munang magtagas ng dugo. <ref name="elfili3">Rizal, Jose. Kabanata 7. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).</ref>

Tutol si Simoun sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila. Ayon sa kaniya, ang layuning ito ay upang maging bansang walang pagkakakilanlan sa hinaharap ang Pilipinas at upang lalong hindi magkaintindihan ang mga mamamayan. Ang paniniwalang ito ni Simoun ay salungat naman sa paniniwala ng mga kabataan. Para sa kanila ay isa itong mainam na paraan upang mapalapit ang mamamayan sa pamahalaan.

[baguhin] Mga naudlot na balak

Dalawang beses nagbalak si Simoun ng pag-aaklas na parehong hindi nagtagumpay. Una ay ang planong pagtakas kay Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara. Ang balak ng ito ay hindi nagtagumpay sapagkat sa araw bago maganap iyon ay nalaman ni Simoun na patay na si Maria Clara. Pangalawa ay ang kaniyang planong pagpapasabog ng bomba sa kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez gamit ang ineregalong ilawan kung saan dadalo ang lahat ng mga may mataas na katungkulan sa Pamahalaan. Ang balak na ito ay naudlot rin dahil kay Isagani, ang dating katipan ni Paulita. Nalaman ang balak na ito ni Isagani mula kay Basilio, ang kaniyang matalik na kaibigan. <ref name="elfili4">Rizal, Jose. Kabanata 35. El Filibusterismo, salin ni Maria Odulio de Guzman. G.O.T. Publishers (1981).</ref>

[baguhin] Simbolismo

Pinapakita ni Rizal sa katauhan ni Simoun ang prinsipyong nihilismo. <ref name="elfili5">Sichrovsky, Harry. Ferdinand Blumentritt: An Austrian Lifefor the Philippines binisita noong 15 Hunyo, 2011. </ref> Ito ay isang teoryang naninindigan na walang totoong pag-iral ang lahat ng bagay. Ito ang doktrina ng mga rebolusyonaryong Ruso noong ika-19 siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo, na hindi sumasangayon sa umiiral na institusyong pampolitika at panlipunan.<ref name="elfili6">UP Diksiyonaryong Filipino, edit ni Almario, Virgilio. Anvil Publishing Inc. (2010)</ref> Sa katauhan ni Simoun, binigyang-diin ang paggamit ng kayamanan upang pag-igihin ang katiwalian sa mga naghaharing-uri kasabay ng pagbuyo sa mga naapi upang kasuklaman ang mga nang-aapi.

[baguhin] Sanggunian

<references />

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.