Simbang Gabi

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Simbang Gabi

Ang Simbang Gabi ay isa sa mga pinakamatagal at pina-popular na kaugalian ng mga Filipino tuwing Kapaskuhan. Ito ay kilala din sa tawag na Misa de Gallo na ang ibig sabihin ay "Mass of the Rooster" o Misa ng Tandang. Ang tradisyon na ito ay mahalaga sa bawat Pilipino sapagkat ito ay simbolo ng pagdating ni Hesucristo. Ang Simbang Gabi ay serye ng siyam na araw na nobena para kay Birheng Maria na nag-uumpisa tuwing Disyembre 16 at nagtatapos sa Disyembre 24.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang Simbang Gabi ay nagsimula pa noong panahong 1660 kung kailan bago pa lang nagkakaugat ang kristyanismo sa Pilipinas. Upang maghanda sa nalalapit na kapanganakan ni Hesus tuwing Kapaskuhan, ang mga misyonaryong prayle ay nagsasagawa ng siyam na magkakasunod na araw na misa upang ikintal sa isipan ng mga Pilipino ang halaga ng Katolisismo at panatilihin ang mga kaugalian ng isang Katoliko.

Ang salitang "gallo" ay nanggaling sa terminong Kastila na ang ibig sabihin ay rooster o tandang sa wikang Filipino. Sa pagtilaok ng tandang pa lamang ng tandang sa madaling araw, ang bawat pamilya ay gumigising at tumutuloy sa pinakamalapit na simbahan. Pagkatapos ng misa ng alas-singko, sila ay tumutuloy na sa kabukiran upang simulan ang kanilang gawain. Simula noon, ito na ay naging isang relihiyosong tradisyon na naipasa sa bawat henerasyon.

[baguhin] Tradisyonal na Kaugalian

Ang simbang gabi ay isng novena mass kung saan ang nangungunang adhikain nito ay pasidhiin ang pagmamahal kay Hesus. Ang pagsisimba ng magkakasunod na siyam na araw ay pagpapakita ng mga deboto lalo na ng mga Katoliko ang kanilang paniniwala at pananampalataya sa kanilang relihiyon gayun din ang pag-aasam sa selebrasyon ng kapanganakan ni Hesus.

Kasabay sa pagsisimba ng siyam na araw ay ang paniniwala ng mga Filipino na kapag ang nobena na ito ay nabuo ng isang deboto, ang kaniyang hiniling na pabor ay matutupad o maibibigay ng Panginoon.

Ang mga Katolikong simbahan ay nagbubukas ng alas-kwatro ng umaga upang tanggapin ang mga parokayano sa pagdiwang ng simbang gabi. Sa ibang simabahan naman ginaganap ang panunuluyan o ang dramatikong pagsasadula ng paghahanap ng matutuluyan nina Hosef at Maria sa Bethlehem.

Ang Pilipinas lamang ang namumukod-tanging bansa na pinayagan ng Holy See o ang tanggapan at kapangyarihan ng Papa na magsagawa ng misa sa madaling araw--ang pinaka-maaga ay 3:45 ng umaga.

[baguhin] Tradisyonal na Pagkain

Naging kaugalian na ng mga Filipino na pagkatapos ng simbang gabi, ang bawat pamilya ay mag-aagahan kung hindi man sa loob ng kanilang tahanan ay sa labas mismo ng simbahan sila magsasalo-salo. Ang mga mangangalakal ay nagtitinda ng samu't-saring mga tradisyonal na pagkain tuwing kapaskuhan tulad ng puto bumbong, bibingka, mainit na tsokolateng inumin o di kaya ay salabat.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.