Simbahan ng San Agustin

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Simbahan ng San Agustin sa Intramuros

Ang Simbahan ng San Agustin ng Intramuros, Maynila na tanyag sa pagiging pinakalumang simbahang nananatiling nakatayo sa Pilipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Taltong beses itinayo ang Simbahan ng San Agustin: ang una ay gawa sa kawayan at nipa; ang pangalawa ay gawa sa kahoy, at ang ikato ay gawa sa bato. Nalampasan nito ang maraming lindol at natupok ng apoy ng dalawang beses. Naging saksi rin ito sa ilang mga giyera o mga pananakop mula sa mga dayuhan. Datapwat ito pa rin ang pinakalumang simbahang bato sa Pilipinas.

Noong 1571, natupok ang simbahan at nasira muli noong 1574 sa nabigong pananakop sa Maynila ng piratang Chinong si Limahong.

Natupok muli ang simbahan noong 1583 nang kumalat ang mga apoy ng kandila habang itinatalaga ang Kastilang gobernador na si Ponquillo de Peñaflora.

Ang simbahang gawa sa bato na nakikita pa rin hanggang ngayon ay ginawa noong 1687 sa pamamalakad ng isang Kastilang sundalong ngaong arkitekto. Gamit ang mga nililok na batong adobe mula sa Meycuayan, Binangonan, at San Mateo, Rizal, natapos ang simagan noong 1607 kahit na mayroong kakulangan sa punod at materyales.

Noong 19 Enero 1607, opisyal na nadeklarang tapos na ang simbahan at binigyan ito ng pangalang St. Paul of Manila. May monastyrong itinayo sa tabi nito na nagbukas noong 1604.

Inayos muli ang simbahan noong 1854 sa ilalim ni Luciane Oliver.

[baguhin] Mga Pagkasira

Nasalanta ng maraming elemento ang Simbahan ng San Agustin: giyera, pagkasunog, mga magnanakaw, at lindol.

Inatake ito ng apat na lindol: 1645, 1974, 1863, at 1880. Noong 1645, ang Simbahan ng San Agusitin ang kaisa-isang simbahan na hindi nagtamo ng pinsala dahil sa matibay na pundasyon na kinatatayuan nito. Noong 1762, nadambong ito ng mga Ingles at nakuha ang mga hiyas, kasuotan, mga larawan, dokumento, at kung anu-ano pa. Binenta ang mga bagay na ito, kasama ang simbahan mismo, sa isang abogadong Intsik na abogadong si Santiago de Orendain. Sa sumunod na taon, nanumbalik ang mga Augustinian. Noong 18 Agosto 1898, naging saksi ito sa pagpapalit ng tagapamahala ng Pilipinas sa ilalim ng gobernador heneral ng Espanya na si Fermin Juadenes para sa pagsuko ng Maynila sa Estados Unidos matapos ang Giyerang Espanya-Amerika.

Naging saksi din ang simbahan ng San Agustin sa marahas na pamamalakad ng mga Hapones sa Pilipinas sa gitna ng Ikalawang Giyerang Pandaigdig. Nagsilbi itong kulungan para sa mga kalaban ng mga Hapones at taguan ng mga sundalong Hapon at ang kanilang mga nadakip sa mga huling mga araw ng Digmaan ng Maynila.

Sa pitong simbahan ng Intramuros, ang simbahan ng San Agustin lamang ang natitirang nakatayo matapos ang paglaya ng Maynila noong 1945. Ang bubungan lamang nito ang nasira.

[baguhin] Harapan

Ang simbahan ng San Agustin ay ginawa sa estilong Baroque katulad ng ibang mga simbahan ng mga Augustinian sa Mexico. Sa kasamaang-palad, hindi nakuntento ang mga gumawa nito sa kinalabasan at sinabi nilang kulang daw ito sa bini. Dahil sa kalidad ng batong ginamit at ang klima sa lugar, kinailangang isakripisyo ang kagandahan nito para sa tibay dahil ang simbahan ay nakatayo sa lugar na talamak ang disgrasya.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.