Simbahan ng Pakil

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Simbahan ng Pakil ay isa sa matatandang simbahan sa Pilipinas na itinayo ng mga paring Franciscano noong 1676. Ito ay matatagpuan sa Pakil, Laguna.

Ang patron ng simbahan ay si San Pedro Alcantara subalit nakalagak din sa simbahan ang imahe ng Mahal na Ina ng Turumba.

Nagtayo ng Simbahan

Sa pamumuno ng iba-ibang paring Franciscano ay naitayo at napaunlad ang simbahan ng Pakil:

Subalit, noong 1739 ay isang sunog ang sumira sa simbahan. Noong 1767 ay muling naipatayo ang simbahan. Noong 1777 ay nagkaroon ng kampana ang simbahan. Noong 1851 ay isa pang sunog ang sumira sa istruktura ng simbahan.

Mga katangi-tanging paring nanungkulan

  • Padre Francisco Baraja – sa kanyang pamumuno ay naitayo ang unang simbahan subalit ito ay yari lamang sa kawayan at nipa.
  • Padre Fernando Haro – sa kanyang pamumuno ay muling itinayo ang simbahan na yari sa bato noong 1732.
  • Padre Joaquin de Coria – sa kanyang pamumuno ay isinaayos niya ang simbahan noong 1840.

Noong 1851 ay muling nasunog ang simbahan pero inayos noong 1852.

  • Padre Juan Llanera – sa kanyang pamumuno ay muling itinayo ang simbahan ngunit isang lindol noong 1881 ang sumira sa kampana at bubong ng simbahan.
  • Padre Juan de Dios Villajos – sa kanyang pamumuno ay isinaayos niya ang bubong ng simbahan at pinalitan itong yari sa yero.
  • Padre Paulino Camba – sa kanyang pamumuno ay pinaganda ang altar ng simbahan.

Noong 1937, isang lindol ang tuluyang sumira sa gusali ng simbahan subalit sa pamamahala ni Padre Federico Diaz Oines ay muling isinaayos ang simbahan.

Sanggunian

  • Alarcon Norma I., Philippine Achitecture During the Pre-Spanish and Spanish Periods (Hinango noong Agosto 4, 2010)