Simbahan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|right|200pxAng Simbahan ay samahan ng mga taong may isang paniniwala. Ito ay tumutukoy sa mga alagad ni Hesukristo. Maaari din itong tumukoy sa isang partikular na institusyon. Ito rin ay lugar kung saan ang mga tao ay nagsasama sama upang sumamba sa kanilang Diyos.


Mga nilalaman

Pinag-Ugatan

Ang Salitang simbahan ay nagmula sa Griyegong salitang na ek-klay-see'-ah, ibig sabihin ay “mga tinawag”. Nilalarawan ng Bibliya ang simbahan bilang katawan ng tao, hindi bilang gusali na pinupuntahan upang magdasal.

Responsabilidad ng Simbahan

Ang simbahan ay may responsabilidad na manghimok sa kanilang mga kasapi na magkaroon ng espiritwal na pag-unlad, at ipakita ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng mga kilos, prinsipyo at mabuting gawa. Kasama sa responsabilidad ng simbahan ang pamamahala sa pagtatama ng maling gawa ng mga kasapi. Ang simbahan ay may pananagutang dumisiplina, at magtanggal sa mga kasapi na hindi isinasabuhay ang mensahe ng kanilang Diyos.

Sanggunian

  • Church (hinango noong 4 Marso 2008).

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.