Si Tandang Bacio Macunat

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Si Tandang Basio Macunat.


Ang Si Tandang Basio Macunat ay isang nobelang isinulat ni Miguel Lucio y Bustamante, isang Kastilang pari. Isa itong halimbawa ng namamayaning posisyon ng mga maykapangyarihan na ang mga Pilipino ay hindi maaaring maging aral.


Mga nilalaman

[baguhin] Buod

Ang pangunahing kuwento ay nagtatampok ng isang di-kilalang tagapagsalaysay o pari na nakatagpo ang isang magsasakang si Tandang Bacio. Sinabi ni Tandang Bacio na kapahamakan ang maidudulot ng pagtungo sa lungsod at pag-iwan sa nayon, na patutunayan ng isang lumang manuskrito. Ang nasabing kuwento ay umiinog sa mayamang mag-asawang sina Andres Baticot at Maria Dimanuiala, na ipinadala ang kanilang anak na si Proper sa Maynila upang mag-aral, at siyang taliwas sa nais ng kanilang anak na si Pili at ng kanilang kura paroko. Nang makarating sa lungsod, napariwara si Proper, nilustay ang yaman ng kaniyang magulang, at namatay sa loob ng bilangguan. Ang iba pa niyang kaanak ay namatay sa kahihiyan at kahirapan.


[baguhin] Mga Tala at Kritisismo

Marami sa mga Kastila ang naniniwalang mababa sa kanilang lahi ang mga “indio” at hindi maaaring magkaroon ng ibang gawain bukod sa pisikal na paggawa. Tinatanggihan ng mga Kastilang pari na turuan ang mga tubong Kastila sa paniniwalang maaari nilang malaman ang mga ideyang liberal at sosyal na mag-aangat sa kanila sa posisyon ng mga opisyal ng Kastila. Tanging ang mga Pilipinong nasa mataas na antas lamang ng lipunan ang maaaring mag-aral sa mga pamantasan at paaralan.


Umabot sa rurok ang sitwasyong ito noong 1897 nang sabihin ng mga pari na ipasara ang mga paaralan para mapigilan ang nakaambang rebolusyon. Naipakita ito sa nobelang Si Tandang Basio Macunat at binigyang-diing manatili ang mga lokal sa kanilang mga lalawigan at gawin ang kanilang mga gawain doon sa halip na magtungo sa lungsod at magpatuloy ng mataas na pag-aaral. Ang nobela, gaya ng ibang tulad nito, ay isinulat sa pag-aasam na makontrol ang lumalagong ideyang pulitikal, kultural at ekonomiko sa mga mamamayan. Pinuna ang nobela ng iba't ibang henerasyon ng mga Pilipinong manunulat gaya nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Teodoro Agoncillo.

[baguhin] Sanggunian



[baguhin] Panlabas na Kawing




[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.